Juan Tamad
(Lk. 5: 33-39)
Naalala nyo pa ba yung kwento ni Juan Tamad? Nakita niya ang hinog na
bunga ng bayabas. Dahil sa tinatamad siyang kunin ito, humiga na lang
siya sa papag sa tapat ng bungang ito upang hintayin na mahulog ito.
Ibinuka niya ang kanyang bibig para pag nahulog ang bunga diretso na
niya itong makakain.
Anong nangyari? Ayun, inunahan siya ng mga ibon. Sa halip na bunga ng bayabas ang bumagsak, mga dumi ng ibon ang nakuha ni Juan Tamad.
Sa buhay pala, dapat ay di tatamad-tamad. Kapag may gustong mangyari, dapat na pinagsisikapan at pinaghihirapan.
Kung gusto mong maging sexy….dapat ay mag-diet at mag-exercise ka.
Kung gusto mong makapasa sa exam….dapat ay magreview ka at mag-aral na
mabuti (subukan mo ding ilagay yung notes mo sa ilalim ng unan mo pag
ikaw ay natutulog).
Kung gusto mong yumaman…dapat magsikap at magsipag ka.
Kung gusto mong magka-girlfriend…dapat manligaw ka.
Kung gusto mong malaman kung makakashoot ka sa basketball…dapat tumira ka.
Kung gusto mo ng maraming kaibigan…dapat maging mabait ka.
Kung ayaw mong magkasakit…alagaan at hwag mong abusuhin ang iyong sarili, tigilan na ang bisyo.
Kung gusto mong bumango…maligo ka.
Sabi ni Hesus: “Walang pumuputol ng panagpi mula sa bagong damit at
itinatagpi sa lumang damit. Kung hindi’y napupunit na ang bago at hindi
pa magiging bagay sa lumang damit ang tagping mula sa bago.
At
wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlan. Kung hindi’y
sisirain ng bagong alak ang mga lumang sisidlan kaya matatapon ang alak
at masisira pati sisidlan. Sa halip ay sa bagong sisidlan dapat ilagay
ang bagong alak.”
Ganun pala. Kapag nakilala natin si Kristo
dapat magkaroon ng pagbabago sa sarili. Hindi pwedeng sabihin na kilala
niya si Kristo pero patuloy pa rin siya sa kaniyang mga bisyo. Hindi
pwedeng sabihin na alam nya si Kristo kung sa buhay niya ay wala pa ring
pagbabago.
Hindi pwedeng simba ng simba pero pag-uwi pangit
pa din ang ugali. Hindi pwedeng dasal ng dasal pero pangit pa rin ang
asal. Hindi pwedeng sermon ng sermon pero ang mga tao ay ikinakahon.
Kaya nga kilalanin si Kristo at ilagay sa puso ang pagbabago.
At kung gusto mong gumanda at gumwapo…i-like mo na ang article na ito! (hwag mahiya…)
Huwebes, Setyembre 5, 2013
Miyerkules, Setyembre 4, 2013
Ganyan Tayo Eh!
Ganyan Tayo Eh!
(Lk. 5: 1-11)
Ganyan tayo eh!
Kapag nadapa…bumangon ulet.
Kapag nalugi…magsimula ulet.
Kapag di nakapasa sa exam…mag-aral, mag-revalida.
Kapag din naka-graduate…mag-enroll ulet.
Kapag natanggal sa trabaho…mag-apply ulet.
Kapag natalo…lumaban ulet.
Kapag pinagsarhan ng pinto…may bintana pa naman.
Kapag nabasted…manligaw ulet.
Kapag iniwan ng kasintahan?...YUN LAANG! (hikbi hikbi..hu hu hu...)
Sabi ni Hesus: "Pumalaot kayo at ihulog ang lambat upang manghuli." Pero sabi ni Pedro: "Guro magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli, ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat." Suko na sana si Pedro sa pangingisda at mamamahinga na sila. Ngunit hinamon siya ni Hesus. Ayun dami nilang nahuli, sa sobrang dami ay kinailangan pa nila ng katulong upang makuha ang mga isada.
Ganun pala. Minsan ay sumusuko na agad tayo, minsan ay nawawalan tayo ng pag-asa, minsan ay bumibitiw na tayo. Pero sa ganitong pagkakataon ay hinahamon tayo ni Hesus na kumapit pa...to hold on a little bit...to stay a little longer...to walk an another step...to trust a little more...to dig deeper...to go into the deep! Duc in altum!
Nakakatakot man ang pagpunta sa kalaliman pero dito natin matatagpuan ang pag-asa. Sa banda roon naghihintay siya. Sabi nga ni Aiza: "Malay mo balang araw dumating din yun..."
Ganyan tayo eh. Binibigyan tayo ng second chance. Hindi lang second chance pero maraming pagkakataon para makabawi at makapagsimula ulet. Kailangan lang natin umusad sa banda roon, sa mas malalim. Iiyak man ngayon pero smile smile na sa banda roon.

Martes, Setyembre 3, 2013
Chito Tagle
Chito Tagle
(Lk. 4: 31-37)
Ang isa sa pinakamagaling na speaker sa panahon ngayon ay walang iba kundi si Cardinal Tagle. Siya ay napakatalino. Mahilig siyang magbasa. Marunong din siyang makinig ng kaisipan ng ibang tao. At dahil napakagaling niya magsalita, marami ang kumukuha sa kanya upang maging speaker.
Pero saan kaya niya kinukuha ang kanyang mga ibinabahagi? Bakit kapag siya ay nagsalita ang mga tao ay nakikinig sa kanya?
Naalala ko yung kwento ng kaklase naming sa Tagaytay. Kahit na naging Obispo siya ay nanatili pa rin siyang rector ng seminary. Si bishop Tagle ay laging nauuna tuwing umaga sa kapilya upang magdasal.
Minsan ay naisip ng seminarista na unahan si bishop sa kapilya upang magdasal. Kaya nga maaga pa siyang gumising at nagpunta sa kapilya. Laking gulat niya sapagkat pagpasok niya sa kapilya ay naroon na si bishop Tagle na nagdarasal. Hindi niya naunahan sa pagdarasal…
Yun pala ang dahilan kaya ang mga winiwika ni bishop Tagle ay may kapangyarihan at katotohanan at ito ay nanonoot hindi lamang sa isip pero mas lalo na sa puso ng bawat isang nakakapakinig. Ang kanyang salita pala ay bunga ng kanyang pagdarasal at pakikikipag-usap sa Diyos. Ang kanyang mensahe at ginagawa ay nagmumula sa pakikipagkaibigan sa Diyos.
Hindi ba’t ganun din ang ginawa ni Hesus nung siya ay nagkatawang-tao? May mga oras na inilalaan si Hesus upang mapag-isa at makipag-usap sa Diyos. Hindi dahilan na maraming tao ang nangangailangan sa kanya upang hindi manahimik at makipagniig sa kanyang Ama.
Para kay Hesus, ang kanyang ginagawa ay bunga ng kaniyang relasyon sa kanyang Ama. Ito ang dhilan kaya nasabi ng mga tao: “May kapangyarihan ang kanyang mga salita.”
Ito rin ang maganda nating tularan. Ang lahat sana ng ating winiwika ay nagmumula sa pakikipag-usap sa Diyos. Ang lahat sana ng ating ginagawa at nagmumula sa pakikipag-kaibigan natin sa Diyos.
*Marami din naman sa atin ang gumigising ng maaga pero hindi upang magdasal...gumigising ng maaga upang sumilip sa facebook!

Imbudo
Imbudo
(Lk. 4: 38-44)
Alam nyo ba ang imbudo?
Sa English ito ay funnel. It is a cone-shaped utensil with a large opening at the top and a small opening or tube at the bottom and is used in pouring liquids and other substances into containers. (Encarta)
May tindahan kami sa palengke at noong bata pa ako (mas mukhang bata kesa ngayon) ang imbudo ang isa sa laging ginagamit. Uso kase noon ang tingi tingi (papiso-piso) na pagbili ng mantika, toyo, palamig o kaya ay gaas. Ang bibili ay may dala dala ng bote o kaya ay plastic na na kung saan ilalagay ang ang binili. Sa pagsasalin ng binili ay kailangan ang imbudo upang diretso sa lalagyan at ng walang masayang.
Pero nakakatuwa ang imbudo. Inilalagay sa kanya ang binibili pero ito ay dumadaan lang sa kanya. Hindi niya itinatago ang inilalagay sa kanya. Katunayan niyan ay walang natitira sa kanya. Pero sa pamamagitan nito ay ginagampanan niya ang kanyang tunay na esensya: ang tagapagdaloy para malipat ang kung anuman sa ibang lalagyan.
Pero maganda rin tayong matuto sa imbudo. Yun bang kapag tayo ay nakatanggap ng biyaya ay ininabahagi natin. Hindi natin sinasarili.
Sa Mabuting Balita ganito ang ginawa ng biyanang babae ni Simon. Noong dumating si Hesus sa bahay ng babae ito ay may sakit. Pero pinagaling siya ni Hesus. Nung siya ay gumaling na, pinili niya na paglingkuran sila Hesus. Tumanggap siya ng kagalingan at ginamit naman niya ito upang makapaglingkod.
Hindi ba’t ganun din si Hesus? Dahil sa kanya ay dumaloy ang biyaya ng kaligtasan para sa lahat. Siya ay naging instrumento ng pagbuhos ng grasya ng Diyos.
Maging imbudo. Maging masaya na naging instrumento ng pagmamahal ng Diyos…

Linggo, Setyembre 1, 2013
Napoles: An Appeal
Napoles: An Appeal
By this time, tila wala na yatang hindi nakakalilala sa apelyidong Napoles. At kapag nabanggit na ito siguradong ang karugtong nito ay ang usapin ng nawawalang baboy. Laman ng mga balita ang tungkol sa pork barrel at kung papaano ito winawaldas at ibinubulsa ng iilan.
Noong unang sumiwalat ang balitang ito galit agad ang naramdaman natin. Pangkukutya ang ating iginante kay Napoles. Maraming imahe ang kumalat sa facebook na ang mukha niya ay ikinabit sa buwaya. Gusto natin siyang parusahan. Gusto natin siyang hiyain. Hindi lang siya, pati na rin ang kanyang pamilya ay hindi rin nakaligtas sa pangungutya at pag-aalimura. Gusto natin sabihin sa kaniya: Buti nga sa iyo!
Pero kung sa panahon kaya ngayon nagkatawang-tao si Hesus, ganun din kaya ang kanyang gagawin? Lalaitin kaya siya ni Hesus? Kukutyain kaya siya ni Hesus? Sasabihin kaya ni Hesus: “Buti nga sa iyo. Magdusa ka!”
Ngayong sumuko na si Napoles, sana ay hwag na nating pag-isipan siya ng masama. Sana ay ipagdasal natin siya. Sana ay bigyan natin siya ng pagkakataong makabangon muli mula sa pagkakamali. Sana ay aminin niya ang pagkakamali. Sana ay matuto na siya.
Hindi naman ibig sabihin nito ay kakalimutan na lang basta ang kanyang ginawa. Dapat pa rin siyang managot sa batas. Kung siya man ay makulong ito ay para sa kanyang kabutihan…para siya ay matuto at para din hindi na siya makagawa pa ng katulad ng kanyang ginawa.
Dapat din na mabawi ang kayamanan na hindi niya kinita sa makatarungang pamamaraan. At syempre hindi rin dapat na palusutin ang mga taong kasabwat sa nakawan na ito lalo na yung mga taong umabuso sa kapangyarihan.
Hwag na nating tapakan ang isang taong nadapa. Tulungan na lang natin siyang makabangon.
Hindi ba’t marami din tayong pagkakamali pero tinutulungan pa rin tayo ng Diyos na makabangon muli? Hindi ba’t kahit na paulit-ulit tayong nakakagawa ng kasalanan ay binibigyan pa rin niya tayo ng pagkakataon na makapagsimula ulit? Hindi ba’t kahit na hindi natin siya sinusunod ay tapat pa rin ang Diyos sa kanyang pagmamahal?

Ang Alamat ng Nawawalang Baboy
Ang Alamat ng Nawawalang Baboy
(A Jeepney Reflections)
Nakabalik na ulit ako (miss me?)
Am back with a vengeance…(trans. babawi ako!)
Ilang araw din akong nawala sa sirkulasyon. Umakyat muna ako ng bundok upang sumamyo ng sariwang hangin. Naging mabunga naman ito.
Sumuko na pala si Napoles kay Pnoy. Bilyong piso pala ang nawawala sa kaban ng bayan at napupunta sa bulsa ng iilan. Ang masakit pa dito ay kasabwat pa ang mga taong nasa itaas ng lipunan.
Kanina din ay napanood ko sa telebisyon na tila ka-close din ni Napoles ang isang mataas na miyembro ng Hudikatura. Nagsimula na din ang imbistigasyon sa Senado pero ang katanungan ng marami ay: Saan hahantong ang kwento ng nawawalang baboy?
Ang pagnanakaw daw ay hindi basta na lang nangyayari. Ito ay nagsimula sa maliit. Maaaring noong bata pa ay kumukupit na sa bulsa ni nanay at ni tatay. Papiso-piso muna. Nung tumagal ay palaki na ng palaki ang kinukuha. Hanggang sa lugar ng trabaho ay dinala ang ugaling ito. Hindi na-correct kaya nagkakalyo na ang pagpili ng tama.
Pero sa lahat ng nangyayaring ito mas malalim na katanungan ay: May pag-asa pa kaya ang Pilipinas?
Marami na ang lumisan sa Pilipinas at pumunta sa bansang may magandang opurtunidad para sa kanila at sa pamilya. Marami dito ay wala ng balak bumalik ng Pilipinas. Marami din sa atin dito sa Pinas na naghahangad na makarating sa ibang bansa upang hanapin ang kanilang magandang kapalaran. Ito ay mga patunay na tila palubog na talaga ang Pilipinas.
Kanina sa pag-uwi ko ay sumakay ako ng jeep. May dalawang estudyante na sumakay. Nagbayad sila ng 20pesos. Sinuklian sila ng konduktor. Nung maiabot sa kanila ang sukli, ibinalik nila ito sa konduktor. Anim na piso ang naisukli sa kanila. Sabi nila: “Kuya labis ang isinukli nyo. Anim na piso ang isinukli nyo dapat ay kwatro lang.” Binigyan sila ng kwatro pesos ng konduktor.
Mabuti pa yung mga bata tapat…
Pero ng makita ko ang ginawa ng mga bata, naisip ko na may pag-asa pa ang Pilipinas. Hanggat may mga pasahero ng jeep na nag-aabot ng tamang pasahe sa driver, may pag-asa pa ang Pilipinas. Hanggat may mga pasahero na handang abutin ang pasahe ng nasa dulong pasahero upang maiabot sa driver ng hindi binabawasan, may pag-asa pa rin ang Pilipinas.
Gising Pilipinas. Hwag patulog-tulog…

Budol-budol
Budol –budol
(Lk. 14: 1, 7-14)
Kanina lang may nabiktima na naman ang budol budol gang. Ginamit ang pangalan ng isang pari at nag-order ng pagkain upang ipa-deliver dito sa kumbento. Nag-alok pa siya na kung gusto nilang magpabarya ng pera kase marami daw barya sa opisina ng simbahan.
Dinala ng isang crew ng isang food outlet ang order kasama ang mahigit labindalawang libong piso. Sinalubong siya ng nag-order at kinuha ang pera at sinabihan ang crew na maghintay na lang siya sa loob ng simbahan at dadalhin sa kanya ang mga barya. Matagal siyang naghintay. Hindi niya alam ay tumakas na ang lalaki dala ang pera. Kawawa naman ang crew na ito. Nabiktima ng manloloko.
Pero ang nakakainis dito ay ginamit ng manloloko ang pangalan ng pari. Nagtiwala ang crew sapagkat ang alam niya ay taong simbahan ang kanyang kausap. Nagtiwala sila sapagkat akala nila ay simbahan ang kanilang kausap.
Mataas kase ang pagtingin ng tao sa mga pari. Sa panahon ngayon hwag basta basta magtitiwala lalo na kapag ang pinag-uusapan ay pera. May mga tao na ginagamit ang identity ng iba upang makapanlamang. May mga tao na nagnanakaw ng karangalan ng iba upang mayroon siyang makuha.
Sa Mabuting Balita, itinuturo sa atin ni Hesus ang tunay na kahulugan ng karangalan. May mga tao na gustong upuan ang magandang upuan na hindi naman para sa kanya. May mga tao na inuunahan ang iba upang mapasakanya ang karangalan.
Nais ni Hesus na matutunan natin na ang karangalan ay maging kakambal ng kapakumbabaan. Hindi dapat na maging mapagmataas. Hindi dapat na nagyayapak ng ibang tao lalo na ng maliliit. Habang umaangat ay dapat na lalong nagiging mapagpakumbaba.
Alam natin ang mga kwento ng mga taong may narating lang ay naging mataas na ang tingin sa sarili. May mga taong yumaman lang ay hindi na iginagalang ang mga mahihirap at dukha. Nagkaroon lang ng mataas na pusisyon ay tila nakalimutan na ang kanyang pinanggalingan. Nagkaroon lang ng yuniporme ay tila siya na ang naging batas.
Sabi ni Hesus: “Ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”
Ang tunay na karangalan ay hindi hinihingi. Hindi ito ipinipilit. Ang tunay na karangalan ay kusang ibinibigay mula sa puso ng ibang tao. Ang respeto at karangalan ay pinaghihirapan, hindi ito ninanakaw.
Tandaan natin yung kwento nung isang pari. Paglipat niya sa bagong parokya ay napansin niya na masyadong maingay ang tunog ng makina nito. Dinala niya ito sa talyer at ipinasuri. Tinanong ng pari yung mekaniko kung bakit maingay ang makina. Sabi nung mekaniko: “Father, maingay po yang tunog ng makina kase matanda na yang makina!”
Ang tunay na karangalan ay nasa kapakumbabaan. Hwag paloloko sa budol-budol gang!

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)