Inang Maria
(Feast of the Immaculate Conception)
Nanay. Inay. Mama. Inang. Mamang. Mommy. Mader. Mudra.
Ito at marami pang iba ang tawag natin sa mga nanay natin. Iba-iba man
ang ating tawag sa kanila pero hindi maaalis ang katotohanan na
sa kanilang sinapupunan tayo ay dinala nila ng maraming buwan. Sa
pagdadalang-tao nila marami silang sakripisyo para sa kanilang anak.
Ginawa nila ito sapagkat sila ay nagmamahal.
Si Maria ay isa
ding ina. Pero hindi lang siya ina. Siya ay ina ni Hesus. Noong sumagot
siya ng “oo” sa plano ng Diyos na maging ina ng tagapaglistas ang buhay
niya ay inilaan na para sa dakilang plano ng Panginoon.
Dahil
sa natatanging gagampanan ni Maria sa pagdaloy ng kaligtasan sa
sangkatauhan, si Maria ay ipinaglihing walang kasalanan. Hindi siya
nabahiran ng dungis ng pagsuway ng tao. Siya ay naging busilak upang
ihanda ang magiging tahanan ni Hesus.
Sabi nga ni Papa Pio IX:
“Ang pinagpalang Birheng Maria ay di nagmana ng kasalanang orihinal
magmula nang ipaglihi dahil sa isang katangi-tanging biyaya ng Diyos na
makapangyarihan pakundangan sa mga karapatan ni HesuKristong Mananakop
ng sangkatauhan.”
Si Maria ay ina din natin. Tayo ay mga Anaknimaria. Si Hesus ay ating kuya…
Maging busilak din sana ang ating kalooban tulad ng ating Inang Maria!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento