Sabado, Pebrero 15, 2014

Bakit?

Bakit

Ang pinakamahirap nasagutin na tanong ay ang tanong na nagsisimula sa bakit.

Maraming katanungang “bakit” ang mga tao. Bakit may kahirapan? Bakit may pagdurusa? Bakit may kaguluhan? Bakit may karamdaman? Bakit may kalungkutan? Bakit may kasalanan? Bakit may kamatayan?

Hinamon ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng mga tanong na ito na patunayan ang kaniyang pag-iral at pagmamahal. Pinatulan naman ng Diyos ang tao. Ipinadala niya si Hesus na nakaranas din ng kahirapan, kalungkutan, at kamatayan. Pinagdaanan ni Hesus ang pinagdadaanan ng tao maliban sa kasalanan upang ipakita na sa lahat ng karanasang ito ng tao kasama niya ang Diyos.

Marami ka parin bang katanungan na bakit? Ang sabi ni pope Francis noong maraming napinsala sa kalamidad na bagyong Yolanda: “It’s okay to ask God why?” Ayos lang pala na tanungin ang Diyos ng bakit. Ang tanong na ito ay hindi pagdududa sa Diyos. Ito ay isang tanong na naghahangad na maranasan ang presensya ng Diyos, na madama ang pagmamahal at pagkalinga ng Diyos.

Kaya nga kung marami kang katanungang bakit sa Diyos ay okay lang yan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento