Sabado, Pebrero 15, 2014

Bulag

Bulag
(Lk. 18: 35-43)

Mahirap ang maging bulag.

Kapag bulag ka aasa ka sa kabutihan ng iba. Hindi mo magagawa kahit na nga ang mga simpleng bagay. Aasa ka na merong mag-aakay sa iyo. Mahihirapan ka na makakuha ng trabaho. Wala ding papansin sa iyo.

Mahirap ang maging bulag lalo na nung kapanahunan ni Hesus. Naniniwala sila na kapag bulag ang isang tao o kaya ay merong kahit na anong kapansanan siya ay pinaparusahan ng Diyos dahil meron itong nagawang kasalanan. Kung hindi man siya ay ang kaniyang mga magulang ay hindi sumunod sa kalooban ng Diyos kaya nagkaroon siya ng kapansanan.

Pinagaling ni Hesus ang bulag. Pero hindi lamang ang paningin niya ang ibinalik ni Hesus. Siya din ay ibinalik sa pamayanan. Sa kaniyang paggaling makakatayo na muli siya sa kaniyang sariling paa. Dahil sa pananalig niya kaya nangyari ang lahat ng ito.

Kaya nga kung may mabigat kang pinagdadaanan, alalahanin mo na may iba pang tao na mas mabigat ang pinagdadaanan pero patuloy na lumalaban sa buhay. Kung sa akala mo ay mahirap ang buhay mo at hindi mo na kaya at gusto mo ng sumuko, alalahanin mo na may ibang tao na mas mahirap ang kinalalagbayan pero patuloy na nagsisikap na mapunan ang mga pagkukulang.

Katulad ng bulag kailangan nating sumigaw sa pamamagitan ng panalangin at ihayag ang ating mga kahilingan…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento