Takot
(Mk. 6: 45-52)
Normal lang na makadama tayo ng takot.
May mga natatakot sa daga, sa ipis, sa palaka…
May mga natatakot din sa tao…takot kay teacher, takot sa magulang, takot sa asawa.
May mga tao din na takot sa pari…lalo na sa masungit na pari!
Pero sabi nung iba takot daw sila sa pari kase nung bata pa sila ay
ipinantatakot ng magulang ang pari. Kapag maingay ang bata sasabihin:
“Hwag kang maingay, magagalit si Father!” Kapag makulit ang bata
sasabihin: “Hwag kang makulit lagot ka kay Father!” At pag nasugatan ang
bata sasabihin: “Lagot ka, lalabas jan ang pari!”
Yung iba naman iba ang kinatatakutan. Takot na mabigo, takot na masaktan, takot na umiyak, takot na magmahal…
Ayo slang ang makaramdam ng takot. Yun ngang mga alagad ay natakot din.
Napagkamalan nila na multo si Hesus na lumalad sa ibabaw ng tubig. Pero
sabi ni Hesus: “Lakasan ang loob! Ako ito, hwag kayong matakot.”
Yun pala. Sa karanasan pala ng pagkatakot ay pwede ring matagpuan si
Hesus. Sa mga pinagdadaanan pala na takot dapat ay lakasan ang loob at
hindi dapat na matakot kase nandun ang presensya ng Diyos.
Napapansin nyo ba yung mga bata kapag natatakot kung ano ang kanilang
ginagawa? Pag sila ay natatakot tatawagin nila agad ang magulang nila.
Kapag malapit ang magulang sila ay kakapit dito. At kapag sobra ang
takot nila sila ay yayakap. Mas malaki ang takot mas mahigpit ang yakap
ng bata sa kanilang magulang.
Ganun din dapat tayo. Sa pagkatakot
natin tawagin natin ang Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Sa paglaki
ng takot natin sa kung ano pa man sana ay mas mahigpit ang kapit at
yakap natin sa Diyos.
“Lakasan ang loob! Si Hesus ito, hwag kayong matakot.”
So, matatakot ka pa ba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento