Ganyan Tayo Eh!
(Lk. 5: 1-11)
Ganyan tayo eh!
Kapag nadapa…bumangon ulet.
Kapag nalugi…magsimula ulet.
Kapag di nakapasa sa exam…mag-aral, mag-revalida.
Kapag din naka-graduate…mag-enroll ulet.
Kapag natanggal sa trabaho…mag-apply ulet.
Kapag natalo…lumaban ulet.
Kapag pinagsarhan ng pinto…may bintana pa naman.
Kapag nabasted…manligaw ulet.
Kapag iniwan ng kasintahan?...YUN LAANG! (hikbi hikbi..hu hu hu...)
Sabi ni Hesus: "Pumalaot kayo at ihulog ang lambat upang manghuli."
Pero sabi ni Pedro: "Guro magdamag po kaming nagpagod at wala kaming
nahuli, ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat." Suko na sana si Pedro sa pangingisda at mamamahinga na sila. Ngunit hinamon siya ni Hesus. Ayun
dami nilang nahuli, sa sobrang dami ay kinailangan pa nila ng katulong
upang makuha ang mga isada.
Ganun pala. Minsan ay sumusuko na
agad tayo, minsan ay nawawalan tayo ng pag-asa, minsan ay bumibitiw na
tayo. Pero sa ganitong pagkakataon ay hinahamon tayo ni Hesus na kumapit
pa...to hold on a little bit...to stay a little longer...to walk an
another step...to trust a little more...to dig deeper...to go into the
deep! Duc in altum!
Nakakatakot man ang pagpunta sa kalaliman
pero dito natin matatagpuan ang pag-asa. Sa banda roon naghihintay siya.
Sabi nga ni Aiza: "Malay mo balang araw dumating din yun..."
Ganyan tayo eh. Binibigyan tayo ng second chance. Hindi lang second
chance pero maraming pagkakataon para makabawi at makapagsimula ulet.
Kailangan lang natin umusad sa banda roon, sa mas malalim. Iiyak man
ngayon pero smile smile na sa banda roon.
Ganyan tayo eh!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento