God Will Provide
(Second Week of Advent)
May isang kwento tungkol sa isang binata na umakyat ng ligaw. Nakausap
niya ang tatay ng dalaga na kanyang liligawan at siya ay tinanong:
Tatay: “Meron ka na bang trabaho?”
Binata: “Wala po.”
Tatay: “Paano mo bubuhayin ang aking anak? Saan ka kukuha ng iapapakain sa kaniya?”
Binata: “God will provide po.”
Tatay: “Paano pag nagkaanak na kayo, paano mo sila bubuhayin at papagaralin?”
Binata: “God will provide po.”
Tatay: “Paano kapag nagkaapo na kayo, paano nyo sila susuportahan?”
Binata: “God will provide po.”
Tatay: “Kung ganun hindi mo pwedeng ligawan ang anak ko!”
Binata: “Bakit po? Gusting-gusto kop o talaga ang anak ninyo. Kung
hindi po ninyo ako papayagang ligawan ang anay ninyo, saan po ako
makakakita ng dalagang katulad niya?”
Tatay: “God will provide!”
Totoo po yun. God will provide. Noong nagkasala ang tao kinailangan na
magkaroon ng tagapagligtas kaya naman ipinadala niya ang kaniyang
bugtong na anak. Si Hesus ang pinakamahalagang regaling biyaya ng Ama sa
sanlibutan.
Gayunpaman, mawawalan ng saysay ang biyaya ng
Diyos kung walang gagawin ang tao. Sabi nga sa kasabihan: “Nasa Diyos
ang awa, Nasa tao ang gawa.”
Ngayong ikalawang linggo ng
paghahanda para sa muling pagdating ni Hesus mahalaga na suriin ang
sarili. Umaalingawngaw hanggang ngayon ang panawagan ni Juan baustista:
“Magbagong-buhay kayo, lumapit na ang paghahari ng Langit.” Kailangang
baguhin ang mga nakasanayang masasamang gawain upang maging busiak ang
kalooban sa muling pagdating ni Hesus. Pagsisihan at talikdan ang
kasalanan…ito ang kinakailangan!
Pero hindi lang dapat tumigil
dito. Dagdag ni Juan Bautista: “Ipakilala ninyo sa pamamagitan ng inyong
pamumuhay na kayo ay nagsisisi…” Dapat pala na magbago at ang pagbabag
na ito ay nasasalamin sa kung paano isinasabuhay ang pagtalikod sa
kasalanan. Sa dami n gating pagsisimba ay dapa na pagganda rin sana n
gating ugali. Sa pagiging malapit natin kay Hesus sana ay nagiging
katulad tayo niya.
God will provide. Ang ating parte na gagawin ay pagsisisi sa kasalanan, pagtalikod dito at paggawa ng kabutihan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento