Si Bunsong Pagong
(Unang Linggo ng Adbyento)
May isang pamilya ng pagong na nagplano na mag-bonding. Sila ay
magpi-picnic. Ilang buwan din nila iyong pinaghandaan. Isang araw nga ay
umalis na sila upang maghanap ng lugar na magandang mag-picnic dala nila ang mga pagkain at mga gamit.
Nakarating sila sa isang isla matapos ang anim na buwan. Dahil sa
madawag ito kanila itong nilinis. Inabot sila ng halos isang buwan sa
paglilinis. Inilabas na nila ang kanilang mga baon pero laking gulat
nila sapagkat meron silang nakalimutan…hindi sila nakapagdala ng asin at
kung walang asin para sa mga pagong hindi kumpleto ang picnic.
Tumingin silang lahat sa bunsong pagong. Sabi nila: “Dahil ikaw ang
pinakamaliit pero pinakamabilis lumakad at lumangoy sa atin ikaw na
bunso ang uuwi upang kumuha ng asin.” Walang nagawa ang bunsong pagong
kundi ang sumunod pero bago siya umalis sinabi niya: “Mangako kayo na
hindi muna kayo kakain hanggat hindi ako dumadating.” Nangako naman ang
pamilyang pagong at siya ay umalis.
Lumipas ang isang araw
hindi dumating si bunsong pagong. Lumipas ang isang linggo…isang
buwan…isang taon pero di pa rin dumating. Lumipas ang limang taon wala
pa rin. Noong ika-pitong taon ng kanilang paghihintay hindi na nakatiis
ang panganay na pasaway na pagong. Lumapit siya sa pagkain at
nagsimulang kumain.
Isang sigaw ang kanilang napakinggan sa may
likod ng puno: “Sabi ko na nga ba at hindi kayo tutupad sa pramis ninyo
na hindi muna kakain hanggat hindi ako dumarating. Dahil di yan hindi
na ako uuwi sa bahay upang kumuha ng asin!”
Ngayong unang
linggo ng adbyento pinapaalala sa atin na dapat tayong maghanda.
Siguradong muling darating si Hesus. Dalawang bagay ang pwede nating
gawing paghahanda: Slow Down at Simplify.
Slow down. Minsan
masyado ng mabilis ang takbo n gating buhay. Tila kulang ang 24hours sa
maghapon sa mga gawain. Aligaga tayo sa maraming bagay. Pero ang tanong:
Para saan ang ating mga ginagawa. Ang buhay ay parang isang
paglalakbay sa isang sasakyan. Kapag sobrang bilis ang pagtakbo hindi na
natin ma-appreciate ang magagandang bagay sa paligid. Ang sabi nga: Ang
laging nagmamadali sa buhay ay nagmamadali ring mamatay!
Simplify. Sa mathematics, upang mas mapadali ang pag-solve sa mga
equations pwedeng i-cancel na lang ang mga variables na may parehong
coefficient. Ganun din sa buhay. May mga bagay na di kailangan at ito
ay dapat na tanggalin. Ginagawa kase nating kumplikado ang buhay.
Bumibili ng mga gamit na may discount o kaya ay mura pero di naman
kailangan kaya pagdating sa bahay ito ay nakatago lamang. Gawing simple
ang buhay.
Maging handa sa pagdating ni Hesus!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento