Taba
(Bagong Taon)
Papasok ako ng
kwarto. Marami akong dala. Di ko magawang hawakan ang doorknob dahil
parehong may hawak ang dalawa kong kamay. Natanong ko tuloy si Lord:
“Bakit ba dalawa lang ang ibinigay mong kamay? Kung apat sana ay di mabubukasan ko ang pinto kahit may hawak ang dalawa kong kamay…”
Wala akong nagawa kundi ilapag muna ang aking dala. Nung wala ng hawak
ang aking kamay nabuksan ko ang pinto. Kinuha ko ang inilapag kong dala
at ako ay nakapasok.
Ngayong bagong taon wish ko ba na madagdagan ang aking kamay?
Nope…Nalaman ko na kailangang ilapag ang aking hawak upang makapasok.
Natutunan ko na sapat ang aking kamay para sa mga gawain. Yun nga lamang
gusto kong gawin lahat ng bagay ng sabay sabay. Gusto kong mapasaakin
ang lahat. Gusto kong marating ang lahat. Gusto kong maangkin lahat…
Pero may mga taong ganyan. Gusto lahat ng magaganda ay maging
girlfriend niya. Gusto lahat ng mga gwapo ay maging pag-aari niya. Gusto
lahat ng bagong gadgets ay magkaroon siya. Gusto lahat ng talents ay
mapasakanya. Gusto lahat ng atensyon ay sa kanya. Gusto lahat ng
pagmamahal ay para lang sa kanya…
Pero hindi ganito ang buhay.
We can only do so much. We can only have that much. We can only be that
much. We can only love that much. There will always be a room wanting.
Because we are not perfect.
But as imperfect as we are we must do our part…God will fill what is lacking!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento