Hwag Patanga-tanga
(Lk. 21: 5-11)
Mag-ingat para di madaya!
Pag namamalengke, tingnan dapat ang binibili kung okay pa at baka
expired na o kaya ay bilasa na o kaya ay kung sa timbang o baka
imitation lang.
Pag sumakay ng taxi tingnan ang metro at baka masyadong mabilis o baka kung saan saan idaan ng driver.
Pag pumunta sa mga opisina alamin ang mga proseso at baka paikot-ikutin habang naghihintay ng padulas.
Hwag agad magtiwala sa mga taong maganda o gwapo. Baka yan ay manloloko
at guguluhin lang ang buhay mo. Paaasahin ka sa wala. Paiiyakin ka lang
at iiwang may sugat ang puso mo.
Noong minsan na ako ay umalis
binigyan ako ng paalala ng kaibigan ko. Sabi niya: “Hwag kang
patanga-tanga doon at baka ikaw ay maligaw!"
Si Hesus may
paalala din: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya.” Si Hesus ay muling
darating ngunit bago siya dumating marami ang magpapakilala na sila na
si Hesus. Marami ang gagamit sa pangalan ni Hesus para sa pansariling
kapakanan. Marami ang aangkin sa katauhan niya upang mailigaw ang
marami.
Kaya nga maganda ang paalala nah wag magpadaya upang di
mailigaw. Alamin ang pananampalataya. Magbasa ng bibliya. Magtanong sa
mga nakakaalam ng pananampalataya. Pag-aralan ang nakagisnang uri ng
pagsamba. Magkaroon ng personal na relasyon kay Hesus.
Hwag patanga-tanga!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento