World War II
(Mk. 3: 22-30)
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nakita ng mga tao ang bunga ng
pag-aaway-away ng mga bansa. Naranasan ng mga tao ang hirap ng
pagkakawatak-watak at hindi pagkakaintindihan. Marami ang namatay.
Maraming mga gusali ang nawasak. Maraming mga pangarap ang nawalan ng katuparan.
Dahil sa karanasang ito nag-usap ang maraming lider ng mga bansa at
pinag-usapan kung papaanong hindi na mauulit ang malaking hidwaan na
ito. Dito nabuo ang United Nations noong October 24, 1945 na magbibigay
ng mapayapang kaayusan sa mga pagkakataon na hindi nagkakaunawaan ang
mga bansa. Ito rin ang tutulong sa mga bansa na nakakaranas ng kalamidad
at kahirapan. Ito ang bunga ng paghahanap ng mga bansa ng pagkakaisa
para sa mga tao.
Ito rin ang nais ni Hesus para sa mga tao…na ang lahat ay maging isa katulad ng siya at ang Ama ay iisa.
Inakusahan si Hesus na ang kaniyang ginagawang pagpapagaling ay buhat
sa kasamaan. Pero sinabi ni Hesus na hindi pwedeng mangyari ito sapagkat
kapag kinalaban ng demonyo ang demonyo din sila ay magkakawatak at sila
ay mawawasak. Nagdala si Hesus ng kagalingan dahil ito ang humihilom
sa sugat na dala ng kasalanan.
Sa tahanan, kapag ang mga
myembro ng pamilya ay nag-aaway at nagbabanggaan, ang pamilya ay hindi
nagdudulot ng kasiyahan ay bagkus nagdadala sa kanila na lalong lumayo
sa isa’t-isa.
Sa basana, kung ang mga tao lalo naang mga namumuno ay
walang pagkakaisa, wala ring paglago ang bansa at sa halip ay hinahatak
ang bawat isa pababa.
Sa Simbahan ay gayun din. Kung ang mga
myembro ng Simbahan ay nag-iinggitan, nagtsitsismisan at hindi
pinagkakatiwalaan ang kakayahan ng bawat isa, hindi rin magiging maganda
ang pagsulong nito. Kung tayo-tayo ay may kanya-kanyang agenda na
pansarili lamang, ang Simbahan ay tiyak na mapupunta sa kawalan. Kung
tayo-tayo ay nagbabangayan siguradong sa kangkungan ang ating hantungan.
Let us unite under the one banner of Love!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento