My King
(Feast of Christ the King)
May isang kwento tungkol sa isang binata. Binigyan siya ng kuya niya ng
bagong kotse bilang regalo sa pasko. Ginamit niya ang sasakyan upang
pumunta sa isang tindahan. Paglabas niya ay may nakita siyang bata sa
tabi ng kaniyang kotse at titig na titig dito. Nung lumapit siya
tinanong siya ng bata: “Sa iyo po ba ang sasakyang ito.” Sumagot ang
binata: “Oo aking nga yan, bigay yan sa akin ng kuya ko.” Sabi ng bata: “Gusto kong maging katulad ng kuya mo.”
“Ihahatid na kita sa inyo” sabi ng binata sa bata. Inihatid nga niya
ang bata sa bahay nito. Nung bumaba ang bata sinabi niya: “Kuya pwede po
bang mamaya kayo umalis?” Nagtaka ang binata sa ganung katanungan pero
umuo na lang siya. Tumakbo ang bata papasok sa kanilang bahay. Paglabas
niya ay may kasama na siya, buhat niya ang kaniyang kapatid na walang
paa. Nang makalapit sila sa sasakyan sinabi ng bata: “Iyan yung kotse na
ibinigay ng kuya niya sa kaniya. Pag lumaki na ako at nagkatrabaho
ibibili din kita ng ganyan.”
Doon naintindihan ng binata ang
bata. Kaya pala mas gusto ng bata na maging katulad ng kuya ng binata ay
mas gusto niyang magbigay sa kapatid…
Ngayong ipinagdiriwang
ang Kapistahan ng Kristong Hari alalahanin nating kung anong klaseng
hari si Hesus. Hindi siya hari ng kayamanan; hindi rin ng kapangyarihan;
at hindi rin ng katanyagan. Si Hesus ay hari ng pagbibigay.
Si
Manny Pacquiao ay lalaban na naman. Pero hindi lamang siya lalaban. Sa
pag-akyat niya sa ring ay kasama niyang ipaglalaban ang mga nabiktima ng
kalamidad. Magbibigay siya ng pag-asa na pagkatapos bumaksak ay dapat
ng bumangon at sa pagbangon na ito walang maiiwan at makakaasa na
maraming tutulong. Ibibigay niya ang sarili niya sa pamamagitan ng
paglaban para sa mga taong ang buhay ay katulad ng pinanggalingan niya.
Kristong Hari maawa po kayo sa amin. Bigyan nyo kami ng pusong handang
magbigay ng aming sarili para sa ibang nadapa at nagsisikap na bumangon…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento