Rejection vs. Affirmation
(Lk. 19: 1-10)
Bakit mas madali ang mamula kesa magbigay ng mga papuri?
Bakit mas madali nating makita ang kapangitan ng ibang tao kesa kanilang kagandahan?
Bakit mas madali na makita ang kapulaan ng ibang tao kesa kanilang kabutihan?
Makit mas madali ang mang-reject kesa magbigay ng pagtanggap?
Si Zakeo bata pa lang ay nakatanggap na ng pangungutaya, pang-aapi,
pambu-bully, pangtutukso dahit sa kaniyang kaliitan. Pandak siya. Maliit
na tao. Dahil hindi siya tinatanggap gumawa siya ng paraan upang
tanggapin siya: nagpayaman siya sa pamamagitan ng pagiging maniningil ng
buwis. Umakyat siya sa isang puno upang siya ay mapansin. Ngunit mas
lalo siyang di tinanggap ng mga tao dahil siya ay naglilingkod sa hari
ng Roma na kalaban ng mga Hudyo.
Dumating si Hesus at tiningala
si Zakeo na nasa itaas ng puno. Alam ni Hesus ang pangalan niya. Kilala
siya ni Hesus. Nakituloy si Hesus sa bahay nito. Laking katuwaan ang
nadama ni Zakeo. Minahal siya ni Hesus. Tinanggap siya ni Hesus. Hindi
ang kapintasan niya ang nakita ni Hesus. Hindi ang mga pagkukulang at
kasalanan niya ang nakita ni Hesus. Nakita ni Hesus ay isang tao na may
kabutihan ng kalooban. Nakita ni Hesus ang isang tao na may potensyal na
magbago at magpakabuti.
Ang karanasan ni Zakeo ng pagtanggap
mula kay Hesus ay nagbunga ng kabutihan. Nagbago siya. Sabi niya:
“Ibibigay ko po sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian at kung ako
ay may nadayang sinuman apat na beses ko siyang babayaran.”
Ganun pala ang nangyayari. Kapag ang karanasan ng isang tao ay mabuti
siya din ay nagpapakabuti. Kapag ang isang tao ay tinanggap nakikita din
niya ang kagandahan ng ibang tao. Kapag ang isang tao ay nakaranas ng
pagmamahal natututo din siyang magmahal.
Piliing tumanggap magmahal…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento