Sabado, Pebrero 15, 2014

Daquiz

Daquiz
(Lk. 21: 1-4)

Ibinili ko ng kulungan ang alaga kong aso. Ipinakita ko yun sa kanya at sinabi: “Yehey…Daquiz may kulungan ka na.” Inilagay ko siya sa loob ng kulungan. Alam nyo na ang nangyari! Nag-iiyak ang alaga ko noong ikinulong ko. Kala ko masisiyahan siya yun pala kabaliktaran ang reaksyon nya.

Ganun din tayo minsan sa pakikitungo sa ibang tao. Ang akala natin yung mga ginagawa natin ay makakapagpasaya sa ibang tao ngunit kung susuriin ito ay ginagawa sa maraming dahilan: pagaanin ang pakiramdam ng sarili sa pag-iisip na nakapagbigay ng tulong sa iba, upang maging sikat, upang masabi na nakatulong, upang ipagyabang, upang mabawasan ang kalat sa bahay, upang mai-dispose ang mga “basura” na nagpapasikip sa tahanan…

Sa Mabuting Balita nagbigay ang isang biyuda ng abuloy na dalawang barya. Para sa mga tao ito ay walang halaga pero para sa babae ito ay ang kayamanan niya. Pinuri siya ni Hesus sapagkat ito ang tunay na pagbibigay. Yun bang pinakakawalan ang isang bagay na mahalaga sapagkat merong mas nangangailangan nito.

Kaya nga sa susunod na magbibigay ka alamin muna kung ito ay makakatulong sa iba. Alamin kung ito ba talaga ay tunay na pagbibigay. Alamin kung ito talaga ay makakatulong…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento