Touched
Si Venicio Riva ay may
sakit na neorofibromatosis…, isang uri ng sakit na tumutubo ang mga
bukol o mga tumor sa balat. Ilang beses na siyang naoperahan sa puso, sa
mata at sa iba pang parte ng katawan. Kumalat na ang mga bukol pati na sa kaniyang mukha kaya naman nakakatakot na ang kaniyang hitsura.
Pero ang mas masakit para sa kaniya ay nilalayuan siya ng mga tao na
baka sila ay mahawa sa kaniyang sakit kahit na ito ay hindi nakakahawa.
Sabi ng mga doctor ay mabubuhay lamang siya ng hanggang 30years old.
Pero nalampasan niya ito at siya ngayon ay 53years old.
Ngayong
buwan na ito siya ay dumalaw Pope Francis. Nung makita siya ng Santo
Papa nilapitan siya nito at hinagkan. Hindi nandiri si Pope Francis.
Hindi rin siya natakot na baka siya ay mahawahan ng sakit nito. Dahil
dito laking tuwa ang nadama ni Venicio.
Sabi niya: “It’s like paradise…It was just a minute but for me it is like eternity…”
Si Pope Francis ay naging bahagi ng buhay ni Venicio. Pero hindi lang
sa kaniya, si Pope Francis ay nagiging bahagi na ng maraming mga tao,
Kristiyano man o may ibang pananampalataya. Sa pagdating ni Pope Francis
marami ang nanumbalik sa Simbahan sapagkat nakita nila ang pagsasabuhay
ng pananampalataya.
Ang misyon ng isang Kristiyano ay hindi
ang magpayaman. Hindi misyon ng sumusunod kay Kristo ang magkaroon ng
kapangyarihan. Hindi rin ang katanyagan.
Ang misyon ng
tagasunod ni kristo ay ang maging bahagi ng buhay ng ibang tao sa
pamamagitan ng paggawa ng kabutihan. Ang misyon ng isang Kristiyano ay
ang pagtulong sa mga nangangailangan. Ang misyon ng isang tinawag ni
Kristo ay ang pagtanggap at pagmamahal lalo na sa mga nasa laylayan ng
lipunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento