Pinakamasayang Tao
(Mt. 11: 28-30)
Sino kaya ang pinakamasasayang tao sa mundong ito?
Yun kayang mayayaman? Nasa kanila na ang lahat at kaya nilang makuha
ang mga bagay na nanaisin nila. Kaya nilang tapatan ang lahat ng
hinahangad na mapasakanila.
Yun
kayang mga sikat? Sila at tinitilaan at hinahangaan ng marami.
Nilalapitan sila upang magpa-pictue at magpa-authograph. Sa kanila lagi
ibinibigay ang lahat ng atensyon ng mga tumutingala sa kanila.
Yun kayang mga may kapangyarihan? Sila yung mga hari at mga lider na
bibigyan ng kakayahan na magpatupad ng batas at ang kanilang kalooban
ang dapat na masunod.
Yun kayang may mga titulo at katalinuhan?
Sila yung ang mga utak ay may kakayahan na umunawa ng kahit na
mahihirap na usapin sa siyensiya, pulitika, pilosopiyaat marami pang
iba.
Sila kaya yung mga pinakamasasayang tao sa mundo?
Saan nga ba nakasalalay ang kasiyahan ng isang tao?
Sabi ni Hesus: “Lumapit kayo sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo.”
Yun pala. Dito pala nating matatagpuan ang tunay na kaligayahan…kapag
lumapit kay Hesus ay makakatagpo ng katiwasayan ng buhay, kapag kumapit
kay Hesus magiging hayahay ang buhay.
Pero hindi ibig nito ay
tatanggalin niya ang lahat ng pinapasan. Hindi ibig sabihin nito ay
mawawala na lahat ng problema. Hindi ibig sabihin nito ay mawawala na
lahat ng pinagdadaanan.
Kapag lumapit tayo sa kaniya babaguhin
niya kung paano natin tingnan ang buhay. Iibahin niya ang ating pananaw
tungkol sa lahat ng ating pinahahalagahan. Itutuwid niya ang maling
pagpapahalaga na ating pinanghahawakan.
Sino ang pinakamasasayang tao sa mundo?
Hindi ang mayayaman. Ang tunay na kasiyahan ay hindi ang pagkakamal ng
maraming pera at ari-arian kundi ang pagkwala o pag-unti ng
pangangailangan…
Hindi ang mga sikat. Ang tunay na taong masaya
ay “at-home” na sa kaniyang sarili at hindi hinahangad ang paghanga ng
iba upang mabuo ang kaniyang pagkatao. Sila yung mga taong alam nila ang
kagandahan na matatagpuan nila sa sarili nila.
Hindi ang mga
makapangyarihan. Ang tunay na taong nakadarama ng kasiyahan ay hindi
nangangailangan ng kalakasan upang sumunod ang iba sa kaniya. Sapat na
para sa kaniya na sa pamamagitan ng kaniyang ginagawa kahit na walang
salita ay tinutularan siya ng iba.
Hindi yung mga taong sa mata
ng akademiya at unibersidad ay matatalino. Ang tunay a nakadarama ay
yung mga taong naniniwala na ang Diyos ay may magandang plano sa
kaniyang nilikha hindi man niya ito lubos na maunawaan. Yung mga taong
naiintindihan na ang buhay ay mula sa Diyos at sa Diyos din babalik.
PS. Masaya na ako kapag gumising ako na walang sipon!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento