I-Push Mo Yan!
(Mt. 10: 17-22)
Tapos na ang Pasko! Yan ang maririnig mo sa marami.
Pero sa kalendaryo ng Simbahan ang Pasko ay hanggang unang Linggo pa ng Enero. Pero hanggang dito na nga lang ba ang Pasko?
Ang Pasko ay ang pag-ala-ala sa kapanganakan ni Hesus, ang Diyos na
nagkatawang-tao. Mas pinili niya na magpakababa upang mas lubos na
maipadama ang kaniyang pagmamahal.
Kung ito ang tunay na
kahulugan ng Pasko ibig sabihin ay hindi natatali sa mga petsa ang
pagdiriwang nito sapagkat ang pagmamahal ng Diyos ay nagpapatuloy sa
buong taon, hindi ito tumitigil at hindi rin ito nababawasan o
nagbabago.
Kaya nga dapat na gawing pasko sa buong taon.
Kung ikaw ay nagpakabait noong December 25, magpakabait na rin sa buong taon.
Kung ikaw ay naging masaya, hwag ka ng bumalik sa damdamin ng kalungkutan sa buong taon.
Kung ikaw ay nagbigay ng regalo, maging mapagbigay na din sa buong taon.
Kung ikaw ay nagsimba at nagdasal, ipagpatuloy mo na yan at hwag baguhin sa buong taon.
Kung ikaw ay nagpatawad, ituloy na rin ang pagpapatawad sa lahat.
Kung ikaw ay tunay na nagmahal, i-push mo na yan sa buong taon!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento