Teflon
(Lk. 21: 12-19)
Mahirap
ang buhay ng mga unang kristiyano. Laging nakaamba ang kamatayan sa
kanila dahil sa pagsunod kay Kristo. Si Hesus ay pinatay at ganun din
ang sasapitin ng mga taong nainiwala sa kaniya. Kanga marami noon ang hinuli, pinahirapan, at pinatay. Dahil sa pagtatanggol sa pananampalataya na ito marami ang ideneklarang marter ng Simbahan.
Fast forward ngayon…
Hindi na bawal ang sumamba at maniwala kay Hesus. Hindi na hinuhuli ang
mga nagtitipon upang maghati-hati ng tinapay sa misa. Hindi na
ipinagbabawal ang maging kristiyano.
Pero bakit nga ba ganun?
Kung kelan naging madali na ang buhay ng pagsunod doon lalong naging
tamad ang mga kristiyano. Ang pagsisimba ay kinakalimutan pa.
Ikinakahiya ang pagdarasal bago at pagkatapos kumain (tingnan nyo yung
mga kumakain sa Jollibee at Mcdo). Mas pinipili pa na pag-usapan ang
buhay ng may buhay kesa pag-usapan si Hesus. Mas binibigyan pa ng oras
ang panonood ng mga telenobela kesa pag-aaral ng pananampalataya…
Buhay nga naman ng Kristiyano…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento