Napoles: An Appeal
By this time, tila wala na yatang hindi nakakalilala sa apelyidong
Napoles. At kapag nabanggit na ito siguradong ang karugtong nito ay ang
usapin ng nawawalang baboy. Laman ng mga balita ang tungkol sa pork
barrel at kung papaano ito winawaldas at ibinubulsa ng iilan.
Noong unang sumiwalat ang balitang ito galit agad ang naramdaman natin. Pangkukutya ang ating iginante kay Napoles.
Maraming imahe ang kumalat sa facebook na ang mukha niya ay ikinabit sa
buwaya. Gusto natin siyang parusahan. Gusto natin siyang hiyain. Hindi
lang siya, pati na rin ang kanyang pamilya ay hindi rin nakaligtas sa
pangungutya at pag-aalimura. Gusto natin sabihin sa kaniya: Buti nga sa
iyo!
Pero kung sa panahon kaya ngayon nagkatawang-tao si Hesus,
ganun din kaya ang kanyang gagawin? Lalaitin kaya siya ni Hesus?
Kukutyain kaya siya ni Hesus? Sasabihin kaya ni Hesus: “Buti nga sa iyo.
Magdusa ka!”
Ngayong sumuko na si Napoles, sana ay hwag na nating
pag-isipan siya ng masama. Sana ay ipagdasal natin siya. Sana ay bigyan
natin siya ng pagkakataong makabangon muli mula sa pagkakamali. Sana ay
aminin niya ang pagkakamali. Sana ay matuto na siya.
Hindi
naman ibig sabihin nito ay kakalimutan na lang basta ang kanyang ginawa.
Dapat pa rin siyang managot sa batas. Kung siya man ay makulong ito ay
para sa kanyang kabutihan…para siya ay matuto at para din hindi na siya
makagawa pa ng katulad ng kanyang ginawa.
Dapat din na mabawi
ang kayamanan na hindi niya kinita sa makatarungang pamamaraan. At
syempre hindi rin dapat na palusutin ang mga taong kasabwat sa nakawan
na ito lalo na yung mga taong umabuso sa kapangyarihan.
Hwag na nating tapakan ang isang taong nadapa. Tulungan na lang natin siyang makabangon.
Hindi ba’t marami din tayong pagkakamali pero tinutulungan pa rin tayo
ng Diyos na makabangon muli? Hindi ba’t kahit na paulit-ulit tayong
nakakagawa ng kasalanan ay binibigyan pa rin niya tayo ng pagkakataon na
makapagsimula ulit? Hindi ba’t kahit na hindi natin siya sinusunod ay
tapat pa rin ang Diyos sa kanyang pagmamahal?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento