Chito Tagle
(Lk. 4: 31-37)
Ang isa sa pinakamagaling na speaker sa panahon ngayon ay walang iba
kundi si Cardinal Tagle. Siya ay napakatalino. Mahilig siyang magbasa.
Marunong din siyang makinig ng kaisipan ng ibang tao. At dahil
napakagaling niya magsalita, marami ang kumukuha sa kanya upang maging
speaker.
Pero saan kaya niya kinukuha ang kanyang mga ibinabahagi? Bakit kapag siya ay nagsalita ang mga tao ay nakikinig sa kanya?
Naalala ko yung kwento ng kaklase naming sa Tagaytay. Kahit na naging
Obispo siya ay nanatili pa rin siyang rector ng seminary. Si bishop
Tagle ay laging nauuna tuwing umaga sa kapilya upang magdasal.
Minsan ay naisip ng seminarista na unahan si bishop sa kapilya upang
magdasal. Kaya nga maaga pa siyang gumising at nagpunta sa kapilya.
Laking gulat niya sapagkat pagpasok niya sa kapilya ay naroon na si
bishop Tagle na nagdarasal. Hindi niya naunahan sa pagdarasal…
Yun pala ang dahilan kaya ang mga winiwika ni bishop Tagle ay may
kapangyarihan at katotohanan at ito ay nanonoot hindi lamang sa isip
pero mas lalo na sa puso ng bawat isang nakakapakinig. Ang kanyang
salita pala ay bunga ng kanyang pagdarasal at pakikikipag-usap sa Diyos.
Ang kanyang mensahe at ginagawa ay nagmumula sa pakikipagkaibigan sa
Diyos.
Hindi ba’t ganun din ang ginawa ni Hesus nung siya ay
nagkatawang-tao? May mga oras na inilalaan si Hesus upang mapag-isa at
makipag-usap sa Diyos. Hindi dahilan na maraming tao ang nangangailangan
sa kanya upang hindi manahimik at makipagniig sa kanyang Ama.
Para kay Hesus, ang kanyang ginagawa ay bunga ng kaniyang relasyon sa
kanyang Ama. Ito ang dhilan kaya nasabi ng mga tao: “May kapangyarihan
ang kanyang mga salita.”
Ito rin ang maganda nating tularan.
Ang lahat sana ng ating winiwika ay nagmumula sa pakikipag-usap sa
Diyos. Ang lahat sana ng ating ginagawa at nagmumula sa
pakikipag-kaibigan natin sa Diyos.
*Marami din naman sa atin ang gumigising ng maaga pero hindi upang magdasal...gumigising ng maaga upang sumilip sa facebook!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento