Martes, Abril 2, 2013

frustrations 101

Frustrations 101
(Lk. 24: 13-35)

Frustrated ka ba?

Frustration: dissatisfaction: a feeling of disappointment, exasperation, or weariness caused by goals being thwarted or desires unsatisfied. (Encarta dictionaries)

Sa tagalog: pagkabigo….pagkadismaya!

Naranasan mo na bang mabigo at madismaya?

Kapag hindi naabot ang isang pangarap, ito ang ginagamit nating term. Kaya nga nakakarinig tayo nang: frustrated engineer yan…frustrated doctor yan…frustrated teacher yan…kaya yan ganyan!

Kapag nag-invest tayo sa isang bagay ngunit di natin nakuha ang gusto nating kapalit nang ating mga sakripisyo nagiging frustrated tayo.

Ito din ang naranasan nang dalawang alagad. Matapos nilang sumunod ay Hesus, sa kamatayan lang pala hahantong. Matapos nilang iwan ang kanilang komportableng buhay, mauuwi din lang pala sa wala lahat ang mga pinaghirapan. Matapos nilang umasa na si Hesus na ang kanilang hinihintay kabiguan din pala ang kahahantungan.

Pero ang kwento nang buhay ay di pala natatapos sa frustrations.

Sa karanasan pala nang kabiguan at pagkadismaya nandun si Hesus na nakikilakbay. Matatagpuan pala natin ang Diyos sa ating mapapait na karanasan.

Dahil sa pagkabuhay ni Hesus ang frustration napalitan nang appreciation…Ang pagkadismaya napalitan nang buhay na maligaya…

Frustrated ka ba? Tara na…buksan ang mata at tayo nang maghati-hati nang tinapay…(at uminom nang alak?!)

Lunes, Abril 1, 2013

iyak



Iyak
(Jn. 20: 11-18)

Kelan ka huling umiyak?

Ito daw po ang una  nating alam kahit na nga walang nagturo sa atin na umiyak. Paglabas natin sa mundong ito pinapalo nang nagpaanak para umiyak. Marunong na agad tayong umiyak.

Sabi dun sa isang post sa facebook: “Nung bata ka pa, ang lakas mong umiyak para marinig ng mga magulang mo. Ngayon, pag umiiyak ka nagtatago ka na kasi ayaw mong malaman nilang nasasaktan ka.”

May iba’t-ibang dahilan ang pag-iyak. Maaaring dahil sa kalungkutan, o kaya ay dahil sa kasiyahan..

Sa Mabuting Balita si Maria Magdalena ay umiyak din. Di lang iyak. Siya ay tumangis. Anong dahilan? Sapagkat wala na sa libingan si Hesus. Lagay na ang loob niya na si Hesus ay patay na at madadatnan niya sa libingan. Dobleng sama nang kalooban niya. Namatay na nga si Hesus di pa niya makikita ang bangkay nito.

Kaya nga laking kasiyahan niya nang makita niya muli si Hesus. Dobleng kagalakan ang kanyang naramdaman. Nakita niyang muli si Hesus at ito ay muling nabuhay.

Kelan ka huling umiyak? Sana kung umiiyak man tayo, ito ay iyak nang kagalakan dahil si Hesus ay muling nabuhay…

Linggo, Marso 31, 2013

Remembering Anna

Remembering Anna Jamina Cabatac

Month of March is the month of graduations. This is the time when students and their parents reap the fruit of their labor for the academic pursuit. This is the time when honor students are given medals symbolizing their academic mastery. This is the time when students leave a chapter in their life and jump into a new challenge. This is the time when graduates feel the excitement of entering another year coupled that with the feelings of fear and anxiety brought by uncertainties of the future.

Last year’s graduation in Mamburao Central School was far from a normal graduation occasion. Anna Cabatac, a graduating honor pupil, was kidnapped, raped and murdered. Who would not cry for vengeance for that evil act? Justice for Anna!

I am writing this article not to bring again the pain which the family and friends of Anna. I am writing to send a message that after a year, during this graduation month, we remember Anna.

Year has passed. The legal battle continues. We hope that the judge who hears this case would expedite the coming of the judgment for the perpetrators of the said crime.

Until now we still shout: Justice for Anna!

Let us pray for the repose of the soul of Anna.

Bribery



Bribery
(Mt. 28: 8-15)

Bribery: the offering of money or other incentives to persuade somebody to do something, especially something dishonest or illegal.

Sa tagalog: panunuhol!

Since time immemorial, meron na din palang pamamaraan para mapagtakpan ang isang katotohanan. Ang mga bantay ay binigyan nang pera upang humabi nang isang kasinungalingan upang mapagtakpan ang isang katotohanan, katotohanan na si Hesus ay muling nabuhay. Kailangan nilang maitago ang katotohanan upang hindi mahayag ang kanilang kamalian sa panghusga at pagpatay kay Hesus.

Ngunit dahil ito ay katotohanan, hindi ito naitago, hindi ito mapasinungalingan kaya nga hanggang sa panahon ngayon nagpatuloy ang kwento ni Hesus. Siya ay muling nabuhay.

Simula na muli nang kampanyahan para sa local na eleksyon. Siguradong babaha na naman ang pera kabi-kabila. Siguradong marami na naman ang tatanggap nang pera upang matakpan ang mata at di makita ang katotohanan.

Hwag padala sa pera. Hwag tumanggap nang suhol! Ipahayag ang katotohanan!





Huwebes, Marso 28, 2013

Patawad...Hwag Nyo Kaming Tularan!

Patawad...Hwag Nyo Kaming Tularan!
(Holy Week Confession)

Kung kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na ang buhay ay walang kasimplehan…Patawarin nyo po kami...Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyong di gumagalang sa katandaan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na di gumagalang sa dangal nang mga kababaihan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na nagbubulag-bulagan sa gitna nang kahirapan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na laging nakapikit ang mata sa mga aba na nanghihingi nang kahit kaunting tulong…Patawarin nyo pokami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo, at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyong mas gustong mamuhay sa kapangyarihan, karangyaan at kasikatan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na ang mga pinipiling kaibigan ay mga mayayaman lamang at yaong may kapangyarihan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na nagbabangayan at nagsisiraan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na namimili nang pagkain at mas gustong kumain sa mamahaling restawran…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyong laging mainit ang ulo at madaling magalit kahit sa walang kadahilanan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na laging nagmumura at ang bibig ay walang magandang salita sa ibinibigay…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyong laging nagmamataas at di nakikinig sa mga opinion nang iba at ang tingin namin sa aming sarili ay laging tama…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyong laging nag-iinom, naninigarilyo at maraming bisyo...Patawarin nyo po kami...Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay di nagpapahalaga sa kapaligiran at sa kalikasan at sa mga nilikha nang Diyos…Patawarin nyo po kami…Hwg nyo kaming tularan!

Lunes, Marso 25, 2013

Back Subject


Back Subject
(Jn. 13:21-33, 36-38)

May back subject ka ba?

Tapos na ang pasukan. Hindi naman talaga lahat nang studyante nakakapasa. Minsan may subject na pula ang marka. Bagsak. Di pasado. Di nakapasa sa pagsusulit. Di naabot ang kaalaman. Di nalampasan ang panukat nang natutunan. Kailangang balikan. Kailangang i-enroll ulit para maka-graduate.

Sa buhay ganun din. May mga back subjects tayo. Kayabangan. Insecurities. Kadamutan. Pagmamataas. Katamaran. Pagiging pasaway. Pagmamagaling. Paulit-ulit na kasalanan. At marami pang iba. Iyan ay mga back subjects nang buhay.

Si Pedro na siyang kinikilalang una sa mga apostoles may back subject din pala. Sinabi niya kay Hesus: “Maiaalay ko ang buhay ko alang-alang sa iyo.” Pero alam natin ang nangyari. Ilang oras lang matapos niyang banggitin ito, itinatwa niya si Hesus nang tatlong beses. Pero ang maganda kahit ganun si Pedro, binigyan siya ni Hesus nang pagkakataon para makabawi. Nung muling mabuhay si Hesus, tatlong ulit na tinanong siya ni Hesus kung mahal siya nito (tingnan ang Jn 21: 15-17). Tatlong ulit din na sumagot nang oo si Pedro. Muli siyang nakabawi. At dahil naipasa niya ito,ipinagkatiwala ni Hesus ang pagpapastol sa kawan nang Diyos.

Si Judas may back subject din. Ipinagkanulo niya si Hesus. Pero ang kaibahan niya kay Pedro ay: si Judas ay din na muling nag-enroll, din na siya muling bumangon, pinutol na niya ang kanyang buhay, siya na mismo ang tumangging magpatuloy; si Pedro naman nagpatuloy sa pag-aaral sa buhay, nagsimula muli at natuto.

Lahat tayo may back subjects sa buhay. Walang nakaliligtas. Mayaman ka man. Matalino ka man. Mataas man ang iyong posisyon sa lipunan. Matanda ka man. Pari ka man. Lahat meron nito. Ang kailangan natin ay maipasa ito. Pag bumagsak tayo, magsimula ulit…mag-enroll sa paaralan ni Hesus…paaralan na tinatawag na buhay.

Lumapit tayo kay Hesus at magpaturo sa kanya upang matuto tayo sa buhay. Pagkatapos nang lahat nang ito siguradong makakamit natin ang diploma nang kaharian nang Diyos…

Best



Best
(Jn. 12: 1-11)

Dalawang tao. Dalawang klaseng pagmamahal. Ito ang makikita natin sa Mabuting Balita.
Una, si Maria. Siya ay kapatid ni Lasaro at ni Marta. Sa pagdating ni Hesus, kinuha niya ang mamahaling pabango at inilagay iyon sa paa ni Hesus. Ibinigay niya kay Hesus ang “the best.” Sa kultura nang mga Hudyo, mga alipin lang ang gumagawa noon. Alipin lamang ang naghuhugas nang paa nang ibang tao. Pero ito ang ginawa ni Maria. Pinunasan pa niya ito nang kanyang buhok.

 Hindi man alam ni Maria, inihanda na rin niya ang darating na pagkamatay ni Hesus. Sa pagkamatay ni Hesus, wala nang panahon para ayusin ang kanyang bangkay kaya nga ang paglalagay nang pabango ni Maria kay Hesus ay isang pangitain nang kung anong mangyayari kay Hesus. Mahal niya si Hesus kaya ginawa niya ito.

Sa kabilang banda, nandun naman ang pagmamahal ni Judas. Minahal lamang niya ang sarili. Sa unang tingin parang maganda ang kanyang kagustuhan na ipagbili ang mamahaling pabango at ibigay ang pinagbilhan sa mga mahihirap. Ngunit ang tunay niyang dahilang ay sapagkat gusto niyang kupitin ang perang mapagbibilhan. Ginagamit niya si Hesus upang magkaroon siya nang maraming pera. Ginagamit niya ang mga mahirap upang siya ang makinabang.

Si Maria tunay niyang mahal si Hesus. Si Judas mahal lamang niya ang kanyang sarili. Sino ka sa dalawa? Si Maria o si Judas?

Ngayong mga Mahal na Araw sana maging tunay ang ating pagmamahal para kay Hesus. Nagsasakripisyo tayo dahil mahal natin si Hesus. Nagpapakabait tayo dahil mahal natin si Hesus. Nagpapakabuti tayo sapagkat mahal natin si Hesus. Tumutulong tayo sa mga nangangailangan at sa mga mahihirap dahil mahal natin si Hesus. Sa lahat nang ating ginagawa sana ang dahilan ay ang pagmamahal kay Hesus.

Ibigay natin ang “the best” para kay Hesus!