Patawad...Hwag Nyo Kaming Tularan!
(Holy Week Confession)
Kung kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay
nakikita nyo na ang buhay ay walang kasimplehan…Patawarin nyo po
kami...Hwag nyo kaming tularan!
Kung kaming mga pari at mga
Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyong di gumagalang sa
katandaan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!
Kung kaming mga pari at
mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na di gumagalang
sa dangal nang mga kababaihan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming
tularan!
Kung kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang
Simbahan ay nakikita nyo na nagbubulag-bulagan sa gitna nang
kahirapan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!
Kung
kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo
na laging nakapikit ang mata sa mga aba na nanghihingi nang kahit
kaunting tulong…Patawarin nyo pokami…Hwag nyo kaming tularan!
Kung kaming mga pari, mga Obispo, at mga lider nang Simbahan ay nakikita
nyong mas gustong mamuhay sa kapangyarihan, karangyaan at
kasikatan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!
Kung
kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo
na ang mga pinipiling kaibigan ay mga mayayaman lamang at yaong may
kapangyarihan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!
Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita
nyo na nagbabangayan at nagsisiraan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo
kaming tularan!
Kung kaming mga pari, Obispo at mga lider nang
Simbahan ay nakikita nyo na namimili nang pagkain at mas gustong kumain
sa mamahaling restawran…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!
Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita
nyong laging mainit ang ulo at madaling magalit kahit sa walang
kadahilanan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!
Kung
kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo
na laging nagmumura at ang bibig ay walang magandang salita sa
ibinibigay…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!
Kung
kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyong
laging nagmamataas at di nakikinig sa mga opinion nang iba at ang
tingin namin sa aming sarili ay laging tama…Patawarin nyo po kami…Hwag
nyo kaming tularan!
Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga
lider nang Simbahan ay nakikita nyong laging nag-iinom, naninigarilyo at
maraming bisyo...Patawarin nyo po kami...Hwag nyo kaming tularan!
Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay di
nagpapahalaga sa kapaligiran at sa kalikasan at sa mga nilikha nang
Diyos…Patawarin nyo po kami…Hwg nyo kaming tularan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento