Iyak
(Jn. 20:
11-18)
Kelan ka huling umiyak?
Ito daw po ang una nating alam kahit na nga walang nagturo sa
atin na umiyak. Paglabas natin sa mundong ito pinapalo nang nagpaanak para
umiyak. Marunong na agad tayong umiyak.
Sabi dun sa isang post sa facebook: “Nung bata ka pa, ang
lakas mong umiyak para marinig ng mga magulang mo. Ngayon, pag umiiyak ka nagtatago
ka na kasi ayaw mong malaman nilang nasasaktan ka.”
May iba’t-ibang dahilan ang pag-iyak. Maaaring dahil sa
kalungkutan, o kaya ay dahil sa kasiyahan..
Sa Mabuting Balita si Maria Magdalena ay umiyak din. Di lang
iyak. Siya ay tumangis. Anong dahilan? Sapagkat wala na sa libingan si Hesus.
Lagay na ang loob niya na si Hesus ay patay na at madadatnan niya sa libingan.
Dobleng sama nang kalooban niya. Namatay na nga si Hesus di pa niya makikita
ang bangkay nito.
Kaya nga laking kasiyahan niya nang makita niya muli si
Hesus. Dobleng kagalakan ang kanyang naramdaman. Nakita niyang muli si Hesus at
ito ay muling nabuhay.
Kelan ka huling umiyak? Sana kung umiiyak man tayo, ito ay
iyak nang kagalakan dahil si Hesus ay muling nabuhay…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento