Bribery
(Mt. 28: 8-15)
Bribery:
the offering of money or other incentives to
persuade somebody to do something, especially something dishonest or illegal.
Sa tagalog:
panunuhol!
Since
time immemorial, meron na din palang pamamaraan para mapagtakpan ang isang
katotohanan. Ang mga bantay ay binigyan nang pera upang humabi nang isang
kasinungalingan upang mapagtakpan ang isang katotohanan, katotohanan na si
Hesus ay muling nabuhay. Kailangan nilang maitago ang katotohanan upang hindi
mahayag ang kanilang kamalian sa panghusga at pagpatay kay Hesus.
Ngunit
dahil ito ay katotohanan, hindi ito naitago, hindi ito mapasinungalingan kaya
nga hanggang sa panahon ngayon nagpatuloy ang kwento ni Hesus. Siya ay muling
nabuhay.
Simula
na muli nang kampanyahan para sa local na eleksyon. Siguradong babaha na naman
ang pera kabi-kabila. Siguradong marami na naman ang tatanggap nang pera upang
matakpan ang mata at di makita ang katotohanan.
Hwag
padala sa pera. Hwag tumanggap nang suhol! Ipahayag ang katotohanan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento