Frustrations 101
(Lk. 24: 13-35)
Frustrated ka ba?
Frustration: dissatisfaction: a feeling of disappointment,
exasperation, or weariness caused by goals being thwarted or desires
unsatisfied. (Encarta dictionaries)
Sa tagalog: pagkabigo….pagkadismaya!
Naranasan mo na bang mabigo at madismaya?
Kapag hindi naabot ang isang pangarap, ito ang ginagamit nating term.
Kaya nga nakakarinig tayo nang: frustrated engineer yan…frustrated
doctor yan…frustrated teacher yan…kaya yan ganyan!
Kapag
nag-invest tayo sa isang bagay ngunit di natin nakuha ang gusto nating
kapalit nang ating mga sakripisyo nagiging frustrated tayo.
Ito
din ang naranasan nang dalawang alagad. Matapos nilang sumunod ay
Hesus, sa kamatayan lang pala hahantong. Matapos nilang iwan ang
kanilang komportableng buhay, mauuwi din lang pala sa wala lahat ang mga
pinaghirapan. Matapos nilang umasa na si Hesus na ang kanilang
hinihintay kabiguan din pala ang kahahantungan.
Pero ang kwento nang buhay ay di pala natatapos sa frustrations.
Sa karanasan pala nang kabiguan at pagkadismaya nandun si Hesus na
nakikilakbay. Matatagpuan pala natin ang Diyos sa ating mapapait na
karanasan.
Dahil sa pagkabuhay ni Hesus ang frustration napalitan nang appreciation…Ang pagkadismaya napalitan nang buhay na maligaya…
Frustrated ka ba? Tara na…buksan ang mata at tayo nang maghati-hati nang tinapay…(at uminom nang alak?!)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento