Best
(Jn. 12:
1-11)
Dalawang tao. Dalawang klaseng pagmamahal. Ito ang makikita
natin sa Mabuting Balita.
Una, si Maria. Siya ay kapatid ni Lasaro at ni Marta. Sa
pagdating ni Hesus, kinuha niya ang mamahaling pabango at inilagay iyon sa paa ni
Hesus. Ibinigay niya kay Hesus ang “the best.” Sa kultura nang mga Hudyo, mga
alipin lang ang gumagawa noon. Alipin lamang ang naghuhugas nang paa nang ibang
tao. Pero ito ang ginawa ni Maria. Pinunasan pa niya ito nang kanyang buhok.
Hindi man alam ni
Maria, inihanda na rin niya ang darating na pagkamatay ni Hesus. Sa pagkamatay
ni Hesus, wala nang panahon para ayusin ang kanyang bangkay kaya nga ang
paglalagay nang pabango ni Maria kay Hesus ay isang pangitain nang kung anong
mangyayari kay Hesus. Mahal niya si Hesus kaya ginawa niya ito.
Sa kabilang banda, nandun naman ang pagmamahal ni Judas.
Minahal lamang niya ang sarili. Sa unang tingin parang maganda ang kanyang
kagustuhan na ipagbili ang mamahaling pabango at ibigay ang pinagbilhan sa mga
mahihirap. Ngunit ang tunay niyang dahilang ay sapagkat gusto niyang kupitin
ang perang mapagbibilhan. Ginagamit niya si Hesus upang magkaroon siya nang
maraming pera. Ginagamit niya ang mga mahirap upang siya ang makinabang.
Si Maria tunay niyang mahal si Hesus. Si Judas mahal lamang
niya ang kanyang sarili. Sino ka sa dalawa? Si Maria o si Judas?
Ngayong mga Mahal na Araw sana maging tunay ang ating
pagmamahal para kay Hesus. Nagsasakripisyo tayo dahil mahal natin si Hesus.
Nagpapakabait tayo dahil mahal natin si Hesus. Nagpapakabuti tayo sapagkat
mahal natin si Hesus. Tumutulong tayo sa mga nangangailangan at sa mga
mahihirap dahil mahal natin si Hesus. Sa lahat nang ating ginagawa sana ang
dahilan ay ang pagmamahal kay Hesus.
Ibigay natin ang “the best” para kay Hesus!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento