Lunes, Hunyo 17, 2013

Janna

Janna
(Lk. 7:36-50)

Nakakatuwa itong si Janna. Kapag nagpo-post siya nang pictures ang daming nagla-like. Ang sabi niya maraming nagla-like kase marami lang siyang kaibigan. Pero totoo naman siyang pretty. Pero hindi lang outside. pag nakilala nyo siya, pati na rin sa loob, she is a beauty. More than the outside beauty she is a beauty inside. She is pretty inside out…

Ganun talaga siguro ang buhay. Kapag maganda ang kalooban nagiging maganda rin ang panlabas. Tingnan ninyo ang mga totoong kaibigan. Sila yung nakaka-apppreciate ng kabaitan at kabutihan nang nang isang tao. Sabi nga ni Ate Lally nung minasan: “Ang galit nakakapangit.” Totoo rin ito. Tingnan nyo yung mga masusungit at ang ugali ay pangit…makita nyo pa lang ang hitsura ay iiwas na kayo.

Tanungin nyo yung mga estudyante. Kapag may teacher na masungit ito ay iiwasan. Hahanap at hahanap nang ibang teacher hwag lang makita si teacher sungit. At kahit na nga gabihin pa o kaya ay mahirap ang schedule ito pa rin ang pipiliin i-enroll hwag lang maging teacher ang kasungitan na nagkatawang-tao.

Sa Mabuting Balita, dalawang tao ang lumapit kay Hesus. Ang una ay ang Pariseo. Para sa kanya isa siyang taong matuwid. Mataas ang tingin sa kanya nang mga tao kase nasa itaas siya nang lipunan. Ang isa naman ay yung babae. Para sa lipunan siya ay mababa at basura lamang. Wala siyang puwang sa lipunan.

Ang Pariseo ay tumanggap kay Hesus pero hindi ito buong-buo. Pinatuloy nga niya si Hesus pero hindi ito 100% na pagtanggap. Ayon sa kultura nang mga Hudyo ang bisita ay dapat na hinuhugasan ang paa sa pagpasok nito sa bahay pero hindi ito ginawa nang Pariseo. Ang babae naman ay buong-buo ang pagtanggap. Hinugasan niya ang paa ni Hesus sa pamamagitan nang kanyang mga luha at ang buho nito ang kanyang ipinampunas.

Wala mang puwang ang babaeng ito sa lipunan dahil sa kanyang mga pagkukulang pero para kay Hesus busilak naman ang kanyang kalooban. Maaaring sa lipunan ang babae ay isang basura lamang pero para kay Hesus isa itong mahalagang kayamanan.

Kung meron mang maganda rin ang kalooban sa panahong ito ay walang iba kundi ang mga tatay. Sila yung mga taong ang inuuna ay ang kabutihan nang pamilya at tahanan. Marami silang sakripisyo para sa ikagaganda nang pamilyang kanyang minamahal. HAPPY FATHERS DAY!

Minsan may nakasabay ako sa fx na isang tatay. May kinuha siya sa kanyang bulsa naisang sobre. Binuksan niya ito at kanyang tiningnan. Napatingin na rin ako sa laman nang sobre. Ang laman pala nito ay pay slip mula 15 hanggang 30 nang buwang iyon. Nung makita ko ang date naisip ko agad na late na niya natanggap ang sweldo niya. Ang sweldo niya ay umaabot nang P5,000.00. Pero meron siyang cash advance na P1,000.00 at meron pang mga kinaltas para sa SSS at Philhealth at iba pang bayarin. Kaya ang maiuuwi niya ay mahit P3,000. Gumamit pa nang ballpen ang tatay na ito at kanyang tiningnan kung tama ang mga deductions.

Naisip ko ang mga sakripisyo nang tatay na ito. Maaaring minsan isang lingo lang siya umuwi nang bahay at makita ang pamilya sapagkat sayang din naman ang pamasahe niya na pwedeng pambili na nang pagkain nila. Maaaring hindi siya kumakain nang sapat sapagkat ang kakainin niya ay para sa pambayad nang matrikula nang mga anak niya. Maaaring kulang din ang tulog at pahinga niya sapagkat kailangan kumita para sa pangangailangan nang pamilya.

Ang totoo nyan ay sabihin na natin na medyo maswerte pa rin ang tatay na ito sapagkat merong mga tatay na kahit gaano kahaba ang kanilang oras sa pagtatrabaho ay hindi pa rin makasapat sa pamilya. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit kapag ang isang lalaki ay nag-aasawa ay mas madali silang tumanda kasama na ang hitsura. Ang inuuna kase nila ay kung anong makakabuti sa pamilya.

Ito ang dahilan kaya nga ang mga tatay ang pinakagwapong nilalang para sa mga anak!

Alam ni Hesus ang kalooban nang bawat isa. Pinatawad ni Hesus ang babae sapagkat totoo ang paghingi niya nang tawad. At dahil mas malaki ang ipinatawad sa kanya nang Panginoon lubos lubos ang kanyang kagalakan.

Kaya nga kung gusto mong maging pretty unahin mo muna ang sarili. Pag busilak ang kalooban ang kasunod niyan ay kagandahan. Hwag maging masungit para di pumangit…

Independence Day

Independence Day
(Mt. 5: 17-19)

Independence Day. Araw nang kalayaan. Pero ano nga ba ang tunay na kahulugan nang kalayaan?

Ang ipinagdiriwang natin ay ang paglaya nang bansa mula sa mahabang pang-aalipin nang mga mananakop. Matagal din napailalim ang mga Pilipino sa mga dayuhan at dahilan sa ating mga bayani, sa pagbubuwis nila nang buhay, sa pag-aalay nila nang kanilang dugo, nakamit din ang minimithing kalayaan. Pero malaya na ba talaga ang Pilipinas?

Sa level nang bansa sa aking palagay ay hindi pa rin totoong malaya. Kung titingnan kase sa mas malaking perspektibo, may mga bagay pa ring sunod-sunuran ang Pilipinas sa ibang bansa na ang hangad ay kunin ang kayamanan nang Pilipinas. Halimbawa nito ay ang isyu nang pagmimina, ang panggigipit sa bansa para payagan ang mga produktong galing sa kanila at ibenta sa ating bansa katulad nang mga contraceptives at mga produktong gamit sa agrikultura (insecticides, pesticides, genetically modified seeds, etc.).

Sa level naman nang personalidad, may mga pag-iisip na tila bumabaluktot sa tunay na kahulugan nang kalayaan. Halimbawa sa mga bata at mga estudyante. Minsan ang iniisip nila ay hindi sila malaya kapag pinapagalitan sila sa tuwing ginagabi nang uwi dahil sa barkada. Pakiramdam nila hindi sila malaya kapag sinesermunan sila kapag hindi sila nag-aaral at ang inaatupag sa maghapon ay ang paglalaro nang candy crush. Para sa kanila ang kalayaan ay ang paggawa nang hindi sila pinapakialaman.

Gayun din halimbawa sa mag-asawa. Sabi nga nung mga tambay sa kanto, ang pag-aasawa daw ay parang hawla o kulungan. Ang mga ibon na nasa labas ay gustong makapasok pero ang mga nasa loob nang hawla ay gustong makawala. Sa relasyon sa loob nang pamilya, minsan ay nagkakabanggaan nang ugali kase may kanya-kanyang kagustuhan at ang gusto nang isa ang pinipilit na ipasunod sa iba.

Ano nga ba ang tunay na kahulugan nang kalayaan?

Sa Mabuting Balita sinabi ni Hesus: “Hwag ninyong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi upang magpawalang-bisa kundi upang magbigay-karapatan.”

Para sa mga Hudyo kapag nabanggit ang batas meron itong apat na pwedeng pakahulugan. Una, ang sampong utos nang Diyos. Ikalawa, ang unang Limang Aklat o ang Pentateuch. Ikatlo, ang buong Skriptura. At ang huli, ang tinatawag na Oral/Scribal Law.

Ang Scribal Law ay mga mumunting batas na interpretasyon nila sa mga naunang batas. Umaabot ito nang libong mga kautusan at ito ang ipinapapasan sa mga tao. Dahil dito nakalimutan na nila ang tunay na diwa nang batas. Naging alipin na sila nang mga batas na ginawa nila. Hindi na sila naging malaya.

Ang kahulugan pala nang kalayaan ay hindi yung paggawa na walang pipigil o yung paggawa para sa sariling kaligayahan. Ang batas na tinutukoy ni Hesus, ang mga batas na ibinigay nang Diyos ang magpapalaya sa bawat isa kung ito ay susundin.
Ang tunay na paglaya pala ay yung pagsunod sa kalooban nang Diyos. Ang kalooban nang isang tao ay dapat na nakakawing sa kalooban nang Diyos.

Gusto mong maging tunay na malaya? Sundin ang batas nang Diyos, ang Batas nang Pag-ibig…

Lunes, Hunyo 10, 2013

Remembering You

I Remember You

How do you want to be remembered when you are gone in this world?

Some would say you can do three things to be remembered: plant a tree, write a book and have a child.

The common denominator of the three? Paggawa nang mabuti.

Ito rin ang gusto ni Hesus. Na ang buhay natin ay maging bahagi nang buhay nang iba. Yun bang buhay na tumutulong sa iba. Yung buhay na may pagkalinga sa iba lalo na sa nangangailangan. Yung buhay na hindi lang iniisip ay ang sarili kundi kung anong makabubuti sa marami.

Si Hesus ganun ang ginawa. Naging bahagi ang buhay niya sa buhay nang ibang tao. Sa pamamagitan nang pagtulong sa mahihirap, sa pamamagitan nang pagbangga sa estruktura nang mga nagpapahirap, sa pamamagitan nang pagbibigay nang inspirasyon at pag-asa sa mga nasa ibaba nang lipunan…ganun siya naaalala sa mundong ito.

Ikaw, panu mo gustong maalala?

It's Complicated

Its Complicated
(Lk. 7: 11-17)

May isang kwento* tungkol sa isang matanda na nagpunta sa ospital para mag-pacheck up. Binigyan siya nang nurse nang form para kanyang fill-up-an. Sinagutan nang matanda ang mga tanong pero may isang tanong na nahirapan siyang sagutan. Tinanong niya ang nurse: “Ano ang ilalagay ko sa status?” “Yun pong estado nang buhay ninyo.” Sagot nang nurse. Sinabi nang matanda: “Ako ay nang-iisa na sa buhay.” “Ganun po ba, single po ang ilagay nyo.” Pero sinabi nang matanda: “Pero meron akong asawa at may mga anak kami at mga apo.” Married po lola ang ilagay nyo.” Pero humirit pa din ang matanda. Sabi niya: “Panu yun eh hindi naman kami talaga kinasal sapagkat ipinagkasundo lang kami sa baranggay?” Nainis na ang nurse at sinabi: “Bahala na kayo lola kung anong gusto ninyong ilagay.” At nagsulat na ang matanda. Nagulat ang nurse nang kunin niya ang form. Ang nilagay ni lola sa status ay: ITS COMPLICATED!

Complicated ba ang buhay mo?

Mahirap at nakalulungkot ang mamatayan. Kaya nga siguro kahit na namatay ay atin pa itong pinaglalamayan. At meron ding pag-ala-ala na siyaman. Pero hindi lang yun. Meron pang 40days. At pagkatapos nang isang taon meron pang babang luksa. Marahil ang dahilan nito ay ayaw nating mawala ang mahal natin sa buhay.
Malungkot at masakit ang mawalay ang isang mahal sa buhay. Sabi nga, pag namatay ang asawa ang tawag natin ay balo. Pag namatay ang magulang ang tawag natin ay ulila. Pero pag namatay ang anak wala tayong katawagan. Ang dahilan daw nito ay sapagkat walang salita na makaka-describe sa kapighatian nang mamatayan nang anak.

Sa Mabuting balita ay napakingggan natin na isang ina ang maglilibing sa kanyang anak. Pero bago yun ay naranasan na niya ang mawalan nang mahal sa buhay. Nawalan na siya nang asawa. Ang tao na iniisip niya na makakasama niya sa pagtanda ay di na muling babalik sa kanya. At ngayon ay nawalan naman siya nang anak. Pero hindi lang basta anak. Ang pumanaw ay ang kaisa-isa niyang anak. Doble dobleng kapighatian. Doble dobleng kalungkutan.

Alam ito ni Hesus at gumawa siya nang himala. Binuhay niya ang binata at ibinalik sa kanyang ina. Hindi lang ang anak ang kanyang binuhay sapagkat sa pagbalik nang anak nabuhay muli siya sa kanyang kapighatian at agam-agam. May makakasama na siya. Hindi na siya nag-iisa. May mag-aalaga na sa kanya sa kanyang katandaan.
Wala tayong kakayahan na bumuhay nang patay. Gayunpaman, ang hamon sa atin ay alagaan ang buhay. Ang pwede nating gawin ay bantayan ang buhay.
Iwasan ang mga bisyo.

Iwasan ang sigarilyo. Sa bawat paghithit mo nang usok ay unti-unti mong pinapatay ang sarili mo. Sa bawat usok na pumapasok sa katawan mo ay binabawasan mo nang ilang minuto ang paglagi mo sa mundong ito. Pati na nga ang ibang tao na nakakalanghap nang usok nito ay dinadamay mo.

Hwag masyado sa pag-iinom. Kapag sobra sobra sa pag-iinom, inaabuso mo na rin ang katawan mo. Alam nyo po ba kung bakit nagsusuka ang isang lasing? Ang dahilan nito ay hindi na kaya nang katawan. Ito ang defense mechanism nang katawan upang sabihin na naabot na ang limitasyon upang tanggapin nang katawan ang alak.

Droga. Alam natin na walang mabuting maibubunga ito. Pati pamilya ay nagugulo dahil sa epekto nang mga bawal na gamot. Kapahamakan ang dulot nito.

Alagaan natin ang ating buhay at ang buhay nang ibang tao. Kailangan ito sapagkat maraming umaasa sa iyo. Alagaan mo ang buhay mo sapagkat kapag ikaw ay nawala maraming magdadalamhati at malulungkot sa mga naiwan mo. Alagaan mo ang sarili mo sapagkat maraming nagmamahal sa iyo. Alagaan mo ang buhay mo sapagkat ito ang gusto nang Diyos para sa iyo.

Hwag gawing kumplikado ang buhay. Matutong alagaan ang buhay…

*salamat kar Fr. Marr Ronquillo sa kwentong ito.

"Punch Me I Bleed" -Spiderman-

“Punch Me I Bleed” –Spiderman-
(Lk. 15: 3-7)

Mayroon daw bagong pangungumusta sa panahon ngayon hindi na lamang “kumusta ka na,” “kumusta ang magulang mo,” “kumusta ang pag-aaral mo,” kumusta ang trabaho mo,”…Ang bago daw ay “KUMUSTA ANG PUSO MO?”

Kapag daw bagong panganak karaniwan na na malinis ang puso, puro pa, pero habang tumatanda nagkakaroon na nang cholesterol at iba’t-ibang sakit. Nakakaramdam na nang angina pectoris o yung chest pain, mahirap huminga, lumalaki ang puso at hindi regular na pagtibok nito.

Kaya nga magandang itanong: Kumusta ang puso mo? Tumitibok pa ba? Regular pa ba ang pagtibok o baka naman nanghihina na?

Mayroon daw pong apat na klase nang puso: (kung meron kayong gustong idagdag sa mga klaseng ito ay pakilagay na lang sa comments… )

1. Pusong Tuliro : ito yung mga tao na ang theme song ay sana dalawa ang puso ko. Ito yung mga tao na ang pangarap ay mapasakanya na ang lahat. Walang kasiyahan kahit na nga nasa kanya na ang kapangyarihan at ang kayamanan.

2. Pusong Bato: ito naman yung puso na wala nang pakialam. Basta ang mahalaga sa kanya ay ginagawa niya ang gusto niyang makakapagpaligaya sa kanya kahit na nga masagasaan at masaktan ang iba.

3. Pusong Hilo: ito naman yung pusong ligaw. Hindi niya malaman kung saan lalagay, laging nalilito at hindi alam ang katotohanan.

4. Pusong Totoo: ito naman yung pusong nagmamahal. Hindi sumusuko at ang inuuna ay kung ano ang mabuti sa minamahal kahit na masaktan.

Alin kaya dito ang puso mo?

Ipinagdiriwang natin ang Kamahal Mahalang Puso ni Hesus. Ano kayang klaseng puso meron si Hesus. Tingnan natin ang Mabuting Balita. Sinasabi dito na kung may isang tupa na mawala, ang 99 na tupa ay iiwan upang hanapin ang nawawalang ito. Kapag natagpuan na ay kanyang papasanin sa balikat at muling ibabalik sa kawan. Walang galit na mararamdaman at walang paninisi sa pagod na bunga nang paghahanap. At magkakaroon nang kasiyahan ang lahat sa pagkakatagpong ito.

Ganito pala ang puso ni Hesus. Ito yung pusong handang humanap sa nawawala. Ito yung pusong nasusugatan kapag may nawawalay sa kanya. Ito yung pusong tumutulo ang luha sa kahirapang nararanasan nang marami. Ito yung pusong tinarakan nang sibat dahil sa kanyang mga minamahal.

Ang puso din ni Hesus ay pusong marunong ngumiti sa kaligayahan nang kanyang minamahal. Ito yung puso na ang hinahangad ay ang kabutihan nang minamahal. Ayaw niya na ang kahit isa ay mapahamak. Ito yung pusong handang pumalit sa mga pusong sugatan.

Sana ganito din ang puso natin. Yun bang puso na handang masugatan at masaktan kung iyon ang kailangan para sa kabutihan nang minamahal. Yun bang pusong ang tanging hangad ay ang kaligayahan nang minamahal. Yung pusong handang maghintay. Yung pusong masugatan man ay hindi tumitigil sa pagtibok sapagkat nagbibigay nang pag-asa at nagpapatuloy ang buhay.

Kailangan din na alagaan ang puso. Kailangan itong bantayan. Kailangan din itong turuan para di maligaw.

Anong klase ang puso mo? Tumingin tayo sa puso ni Hesus at sabihin nating : Yun ohhh…!

N.B. Read the book "I Kissed Dating Goodbye" by Joshua Harris. Its worth reading especially to those whose heart is bleeding…

Miyerkules, Hunyo 5, 2013

Stephen Hawking

Stepehen Hawking
(Mk. 12: 18-27)

Si Stephen Hawking ang isa sa mga kinikilalang pinakamatalinong tao sa mundo ngayon. Isa siyang theoretical physiscist at professor sa Cambridge University. Kaya nyang ipaliwanag kung paano nabuo ang kalawakan. Kaya nyang ituro ang kahit anong kumplikadong aralin tungkol sa science. At kahit na nga ang mga makikita sa kalawakan ay kaya niyang ilarawan na tila nakarating na siya sa mga lugar na iyon.

Pinakamatalino man siya pag pinag-usapan ang siyensya, nahihirapan naman siya pagdating sa pagkaunawa sa kabilang buhay. Hindi siya naniniwala na merong buhay pagkatapos nang lahat dito sa mundo. Sabi niya, ang tao ay para lang daw computer na pagka-namatay ay mag-o-off na lang…Sinabi pa niya na hindi kailangan nang Diyos para sa paglikha sapagkat ang lahat ay naaayon sa prinsipyo nang siyensiya.
Pero iba ang itinuturo ni Hesus. Sabi ni Hesus ay merong muling pagkabuhay…

Sa Mabuting Balita napakinggan natin ang tanong nang mga Saduseo. Sila yung mga taong hindi naniniwala sa muling pagkabuhay. Ito ang dahilan kung bakit nagtanong sila nang kumplikadong katanungan kay Hesus. Pero sabi ni Hesus, sa muling pagkabuhay, tayo ay mabubuhay na katulad nang mga anghel.

Hindi maipapaliwanag nang science ang tungkol sa mga buhay espiritwal sapagkat ang makakapagpaliwanag lang nito ay ang pananampalataya. Ang mga bagay na ito ay hindi kayang pag-aralan sa laboratory kundi maiintindihan lamang sa loob nang Simbahan.

Hindi rin kayang mapuntahan nang kahit na anong space ship nang science ang langit sapagkat mapupuntahan lamang sa pagsakay sa turo ni Hesus nang pagpapakabuti.

Hindi rin kayang ilagay sa petri dish at silipin sa microscope ang mga katangian nang Diyos sapagkat makikita lamang ito sa pamamagitan nang pagbukas nang puso sa kabutihan nang Diyos sa paglikha.

Hindi rin kayang obserbahan ang mga galaw nang Diyos sa pamamagitan nang mortar and pestle sapagkat malalaman natin kung paano gumalaw ang Diyos kung susuriin natin ang sariling buhay at makita kung gaano niya tayo kamahal.

Merong muling pagkabuhay. Ngayon pa lang ay paghandaan natin ito. Sa mga naniniwala dito magkita-kita tayo…Sa mga hindi naniniwala sabi nung isang post sa facebook “mag-fly-fly na lang sila sa rainbow…”

Linggo, Hunyo 2, 2013

Tag-ulang Pasukan

Tag-ulang Pasukan

Am wondering lately: sinadya ba na tag-ulan magsimula ang pasukan?

Mahirap pag tag-ulan. Papasok ka sa eskwelahan na basa ang iyong gamit. Basa ang iyong sapatos kaya nga di maiiwasang mangamoy. Kahit na nga meron kang dalang payong o kaya ay kapote, di pa rin maiiwasang mabasa. Mahirap sumakay nang tricycle o kaya nang jeep kapag ito ay punuan at unahan din dahil sa dami nang pasahero. Kaya nga pag wala ka nang masakyan eh magtityaga ka na lang na suungin ang lakas nang ulan at bahang daan. Di lang mangangamoy ang iyong paa, ito ay magkakaalipunga pa. Ang mga labahin ay nangangamoy din…buti na lang meron naimbentong panlaba na kahit hindi ibilad sa araw ay mabango na din ang mga damit.

Pero ang tag-ulan ay hindi lang nangyayari sa panahon. Pati sa buhay minsan dumarating ang tag-ulan. At kung mamalasin ka baka bagyo pa nga ang dumating. Tutulo ang luha, babaha ang mga problema, tatamaan nang kidlat ang damdamin, magugulo ang isip sa malalakas na kulog nang mga pagsubok, lalamigin sa pagmamahal mula sa mga taong inaasahan…dagdag pa ang brownout na dala nang patung-patong na kabulukan nang sistemang umiiral.

Pero sa panahon nang tag-ulan nagsisimula ang panahon nang pasukan. Ito ang pagkakataon para sa mga estudyante na matututo nang mga aralin na magagamit sa kinabukasan. Ang mga estudyante ay magbabasa nang mga aklat na kapupulutan nang aral. May mga assignment na kailangang bigyan nang panahon. May mga tanong na dapat na sagutan.

Pero alam din natin na hindi lahat ay nagtatagumpay sa pag-aaral. Meron ding bumabagsak. May kini-kick-out. May lagi sa guidance office. Meron din laging nganga…Gayun pa man ay hamon ito para matuto. Ang sabi nga: “You are studying not for grades but for life…” Kung may mali pwede namang burahin o kaya ay ulitin. At hwag mag-alala, ang mga teachers ay nanjan para gumabay at hindi para sa iyo ay magpahirap. Pwede rin tayong magpahinga at saka bumalik. Ang sabi nga nang Bread: "Saying goodbye doesn't mean forever..doesn't mean we'll never be together again..."

Tag-ulang pasukan. Tag-ulan ba ang buhay mo? Hwag kang mag-alala, simula yan nang pagkatuto.

Sa likod nang madilim na ulap nagkakanlong ang haring araw.

Sa pasukan ay may graduation sa huli na hinihintay.

Pasok na tayo kahit bumabagyo…pero hwag kalimutan ang baon mo!