Stepehen Hawking
(Mk. 12: 18-27)
Si Stephen Hawking ang isa sa mga kinikilalang pinakamatalinong tao sa
mundo ngayon. Isa siyang theoretical physiscist at professor sa
Cambridge University. Kaya nyang ipaliwanag kung paano nabuo ang
kalawakan. Kaya nyang ituro ang kahit anong kumplikadong aralin tungkol
sa science. At kahit na nga ang mga makikita sa kalawakan ay kaya niyang
ilarawan na tila nakarating na siya sa mga lugar na iyon.
Pinakamatalino man siya pag pinag-usapan ang siyensya, nahihirapan
naman siya pagdating sa pagkaunawa sa kabilang buhay. Hindi siya
naniniwala na merong buhay pagkatapos nang lahat dito sa mundo. Sabi
niya, ang tao ay para lang daw computer na pagka-namatay ay mag-o-off na
lang…Sinabi pa niya na hindi kailangan nang Diyos para sa paglikha
sapagkat ang lahat ay naaayon sa prinsipyo nang siyensiya.
Pero iba ang itinuturo ni Hesus. Sabi ni Hesus ay merong muling pagkabuhay…
Sa Mabuting Balita napakinggan natin ang tanong nang mga Saduseo. Sila
yung mga taong hindi naniniwala sa muling pagkabuhay. Ito ang dahilan
kung bakit nagtanong sila nang kumplikadong katanungan kay Hesus. Pero
sabi ni Hesus, sa muling pagkabuhay, tayo ay mabubuhay na katulad nang
mga anghel.
Hindi maipapaliwanag nang science ang tungkol sa
mga buhay espiritwal sapagkat ang makakapagpaliwanag lang nito ay ang
pananampalataya. Ang mga bagay na ito ay hindi kayang pag-aralan sa
laboratory kundi maiintindihan lamang sa loob nang Simbahan.
Hindi rin kayang mapuntahan nang kahit na anong space ship nang science
ang langit sapagkat mapupuntahan lamang sa pagsakay sa turo ni Hesus
nang pagpapakabuti.
Hindi rin kayang ilagay sa petri dish at
silipin sa microscope ang mga katangian nang Diyos sapagkat makikita
lamang ito sa pamamagitan nang pagbukas nang puso sa kabutihan nang
Diyos sa paglikha.
Hindi rin kayang obserbahan ang mga galaw
nang Diyos sa pamamagitan nang mortar and pestle sapagkat malalaman
natin kung paano gumalaw ang Diyos kung susuriin natin ang sariling
buhay at makita kung gaano niya tayo kamahal.
Merong muling
pagkabuhay. Ngayon pa lang ay paghandaan natin ito. Sa mga naniniwala
dito magkita-kita tayo…Sa mga hindi naniniwala sabi nung isang post sa
facebook “mag-fly-fly na lang sila sa rainbow…”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento