“Punch Me I Bleed” –Spiderman-
(Lk. 15: 3-7)
Mayroon daw bagong pangungumusta sa panahon ngayon hindi na lamang
“kumusta ka na,” “kumusta ang magulang mo,” “kumusta ang pag-aaral mo,”
kumusta ang trabaho mo,”…Ang bago daw ay “KUMUSTA ANG PUSO MO?”
Kapag daw bagong panganak karaniwan na na malinis ang puso, puro pa,
pero habang tumatanda nagkakaroon na nang cholesterol at iba’t-ibang
sakit. Nakakaramdam na nang angina pectoris o yung chest pain, mahirap huminga, lumalaki ang puso at hindi regular na pagtibok nito.
Kaya nga magandang itanong: Kumusta ang puso mo? Tumitibok pa ba? Regular pa ba ang pagtibok o baka naman nanghihina na?
Mayroon daw pong apat na klase nang puso: (kung meron kayong gustong
idagdag sa mga klaseng ito ay pakilagay na lang sa comments… )
1. Pusong Tuliro : ito yung mga tao na ang theme song ay sana dalawa ang
puso ko. Ito yung mga tao na ang pangarap ay mapasakanya na ang lahat.
Walang kasiyahan kahit na nga nasa kanya na ang kapangyarihan at ang
kayamanan.
2. Pusong Bato: ito naman yung puso na wala nang
pakialam. Basta ang mahalaga sa kanya ay ginagawa niya ang gusto niyang
makakapagpaligaya sa kanya kahit na nga masagasaan at masaktan ang iba.
3. Pusong Hilo: ito naman yung pusong ligaw. Hindi niya malaman kung
saan lalagay, laging nalilito at hindi alam ang katotohanan.
4.
Pusong Totoo: ito naman yung pusong nagmamahal. Hindi sumusuko at ang
inuuna ay kung ano ang mabuti sa minamahal kahit na masaktan.
Alin kaya dito ang puso mo?
Ipinagdiriwang natin ang Kamahal Mahalang Puso ni Hesus. Ano kayang
klaseng puso meron si Hesus. Tingnan natin ang Mabuting Balita. Sinasabi
dito na kung may isang tupa na mawala, ang 99 na tupa ay iiwan upang
hanapin ang nawawalang ito. Kapag natagpuan na ay kanyang papasanin sa
balikat at muling ibabalik sa kawan. Walang galit na mararamdaman at
walang paninisi sa pagod na bunga nang paghahanap. At magkakaroon nang
kasiyahan ang lahat sa pagkakatagpong ito.
Ganito pala ang puso
ni Hesus. Ito yung pusong handang humanap sa nawawala. Ito yung pusong
nasusugatan kapag may nawawalay sa kanya. Ito yung pusong tumutulo ang
luha sa kahirapang nararanasan nang marami. Ito yung pusong tinarakan
nang sibat dahil sa kanyang mga minamahal.
Ang puso din ni
Hesus ay pusong marunong ngumiti sa kaligayahan nang kanyang minamahal.
Ito yung puso na ang hinahangad ay ang kabutihan nang minamahal. Ayaw
niya na ang kahit isa ay mapahamak. Ito yung pusong handang pumalit sa
mga pusong sugatan.
Sana ganito din ang puso natin. Yun bang
puso na handang masugatan at masaktan kung iyon ang kailangan para sa
kabutihan nang minamahal. Yun bang pusong ang tanging hangad ay ang
kaligayahan nang minamahal. Yung pusong handang maghintay. Yung pusong
masugatan man ay hindi tumitigil sa pagtibok sapagkat nagbibigay nang
pag-asa at nagpapatuloy ang buhay.
Kailangan din na alagaan ang puso. Kailangan itong bantayan. Kailangan din itong turuan para di maligaw.
Anong klase ang puso mo? Tumingin tayo sa puso ni Hesus at sabihin nating : Yun ohhh…!
N.B. Read the book "I Kissed Dating Goodbye" by Joshua Harris. Its worth reading especially to those whose heart is bleeding…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento