Tag-ulang Pasukan
Am wondering lately: sinadya ba na tag-ulan magsimula ang pasukan?
Mahirap pag tag-ulan. Papasok ka sa eskwelahan na basa ang iyong gamit.
Basa ang iyong sapatos kaya nga di maiiwasang mangamoy. Kahit na nga
meron kang dalang payong o kaya ay kapote, di pa rin maiiwasang mabasa.
Mahirap sumakay nang tricycle o kaya nang jeep kapag ito ay punuan at
unahan din dahil sa dami nang pasahero.
Kaya nga pag wala ka nang masakyan eh magtityaga ka na lang na suungin
ang lakas nang ulan at bahang daan. Di lang mangangamoy ang iyong paa,
ito ay magkakaalipunga pa. Ang mga labahin ay nangangamoy din…buti na
lang meron naimbentong panlaba na kahit hindi ibilad sa araw ay mabango
na din ang mga damit.
Pero ang tag-ulan ay hindi lang
nangyayari sa panahon. Pati sa buhay minsan dumarating ang tag-ulan. At
kung mamalasin ka baka bagyo pa nga ang dumating. Tutulo ang luha,
babaha ang mga problema, tatamaan nang kidlat ang damdamin, magugulo ang
isip sa malalakas na kulog nang mga pagsubok, lalamigin sa pagmamahal
mula sa mga taong inaasahan…dagdag pa ang brownout na dala nang
patung-patong na kabulukan nang sistemang umiiral.
Pero sa
panahon nang tag-ulan nagsisimula ang panahon nang pasukan. Ito ang
pagkakataon para sa mga estudyante na matututo nang mga aralin na
magagamit sa kinabukasan. Ang mga estudyante ay magbabasa nang mga aklat
na kapupulutan nang aral. May mga assignment na kailangang bigyan nang
panahon. May mga tanong na dapat na sagutan.
Pero alam din
natin na hindi lahat ay nagtatagumpay sa pag-aaral. Meron ding
bumabagsak. May kini-kick-out. May lagi sa guidance office. Meron din
laging nganga…Gayun pa man ay hamon ito para matuto. Ang sabi nga: “You
are studying not for grades but for life…” Kung may mali pwede namang
burahin o kaya ay ulitin. At hwag mag-alala, ang mga teachers ay nanjan
para gumabay at hindi para sa iyo ay magpahirap. Pwede rin tayong
magpahinga at saka bumalik. Ang sabi nga nang Bread: "Saying goodbye
doesn't mean forever..doesn't mean we'll never be together again..."
Tag-ulang pasukan. Tag-ulan ba ang buhay mo? Hwag kang mag-alala, simula yan nang pagkatuto.
Sa likod nang madilim na ulap nagkakanlong ang haring araw.
Sa pasukan ay may graduation sa huli na hinihintay.
Pasok na tayo kahit bumabagyo…pero hwag kalimutan ang baon mo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento