Miyerkules, Mayo 15, 2013

Rejection

Rejection
(Jn. 15: 26 – 16:4)

Si Michael Jordan ang itinuturing na isa sa pinakamagaling na manlalaro sa buong mundo. Pero alam nyo ba na nung nagsisimula pa lang siya ay naka-experience siya nang rejection? Siaya ay nasa edad na 16 years noon at ang mga kasama niya ay mas may edad sa kanya. Kahit na magaling siya maglaro nang basketball hindi siya isinali sa team sapagkat bata pa siya at ang isinali ay yung mga manlalaro na may edad na 18. Kaya nga si Michael ay walang nagawa kundi maglaro sa junior varsity na mga manlalaro na may edad na tulad nang sa kanya. Dahil doon siya ay nagsikap na pagbutihin ang kanyang paglalaro. Na-reject man siya noon ito naman ang naging motibasyon noya na mag-ensayo upang gumaling siya sa paglalaro nang basketball. Siya ngayon ang itinuturing na pinakamagaling na manlalaro nang basketball.

Lahat tayo gusto nating tinatanggap tayo. Ayaw natin yung tayo ay hindi nagiging bhagi nang kung ano man ang gusto nating samahan. Ayaw natin yung nare-reject.
Pero tandaan natin na kahit si Hesus ay hindi rin tinanggap nang marami. Na-reject din siya. Pero hindi iyon naging hadlang upang ipagpatuloy ang plano nang Diyos.

Na-reject ka ba? Hindi ka ba tinanggap? Maging hamon sana iyan na ikaw ay magpakabuti…

Ang Ostrich, Ang Bulkan, at Ang Libingan

Ang Ostrich, Ang Bulkan, at Ang Libingan
(Jn. 14: 23-29)

Kapayapaan. Lahat tayo naghahangad nang kapayapaan. Pero anong klaseng kapayapaan kaya ang ating hinahanap?

Ayon kay Fr. Willy Villas mayroon daw tatlong uri nang kapayapaan na alam ang daigdig: kapayapaang ostrich, kapayapaang bulkan, at kapayapaang libingan.

Ang kapayapaang ostrich. Ang ostrich daw kapag nasa panganib ay itinatago na lamang ang kayang ulo upang di niya makita ang panganib na nasa kanyang paligid. Pag di niya nakikita ang panganib, pakiramdam niya ay ligtas na siya at ang lahat ay payapa. May mga taong katulad din nang ostrich ang pagtingin sa kapayapaan. May mga tao na kapag may mga di magagandang nangyayari sa paligid ay ipipikit na lang ang mga mata upang di ito makita. May mga tao na kapag may mga kamalian sa lipunan ay ititikom na lang ang bibig at magbubulag-bulagan na tila ba walang nangyayaring masama. Ito yung mga taong walang pakialam at hindi nakikialam sapagkat para sa kanila kapag sila ay nakialam ay maaapektuhan ang kanilang “mapayapang buhay.” Ang kanilang pamantayan ay: “Basta masaya ako, bahala sila sa buhay nila.”

Ang ikalawang uri nang kapayapaan na alam nang daigdig ay ang kapayapaang bulkan. Ang bulkan sa panlabas ay payapa. Ilang lingo na ang nakakaraan ay nakita naming ang bulkang Mayon. Napakaganda nito at maswerte kami sapagkat walang gaanong ulap at nakita naming ang tuktok nito. Pero sabi nang mga tao doon nakakatakot ito sapagkat payapa man sa labas sa loob naman nito ay mainit at kumukulong “magma.” Para din itong mga tao na sa panlabas ay tila ayos lang yun pala ay nasa loob ang kulo. Para sa kanila mas mabuting itago ang nararamdaman kesa ipahayag ito at baka hind imaging maayos ang samahan. Ugali din ito nang mga taong nagpapadala na lang sa agos minsan ay dahil sa takot at minsan ay dahil sa may kapangyarihan.

Ang ikatlong uri nang kapayapaan ay ang kapayapaang katulad nang libingan. Ang mga bangkay na nasa libingan ay walang pakialam. Hindi na alintana ang kapangitan nang paligid. Hindi na pinapansin ang anumang nagyayari dahil nga sa sila ay wala nang buhay. Maraming taong ganito. Talagang walang pakialam. Kahit na nga nakikita na kailangan ang tulong nila, hindi pa rin kumikibo upang magbigay nang tulong. Sila ay: “Hindi nagpapahirap pero hindi rin naman sila nakakatulong!”
Ang sabi ni Hesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; ibibigay ko sa inyo ang aking kapayapaan. Hindi tulad nang pagbibigay nang mundo ang pagbibigay ko nito sa inyo.” Ang kapayapaang gusto ni Hesus para sa atin ay hindi kapayapaang katulad nang ostrich; hindi katulad nang bulkan, at hindi rin katulad nang libingan. Sila ay buhay na patay.

Ang kapayapaang gusto ni Hesus ay base sa katotohanan. Hindi nagpipikit nang mata sa mga nangyayari sa paligid. Ito yung kapayapaang bunga nang pakikisangkot kung anuman ang nangyayari sa paligid. Ito yung kapayapaang hindi nagtatago kapag may nangangailangan

Ang kapayapaang kaloob ni Kristo ay makakamtan natin kung tatahakin din natin ang daang tinahak ni Hesus. Ito ang daan nang pakikipag-kapwa-tao, pagdamay sa nangangailangan, pagtutuwid sa struktura nang kamalian, pagtulong sa naghihirap at inaapi nang lipunan, pagmamahal na walang pinipili.

Gusto mo nang kapayapaan? Tinig ni Hesus ay iyong pakinggan! Ang daan ni Hesus ay iyong sundan!

Biyernes, Mayo 3, 2013

Bakit Kaya?



Bakit Kaya?
(Jn. 15:18-31)

Bakit kaya maraming nagagalit at tumutuligasa sa Simbahang Katolika?

Kamakailan lang ay may naglabas nang survey na nababawasan daw ang mga nagsisimba. Ang dahilan daw nito ay sapagkat nakikihalo ang Simbahan sa pulitika kasama na diyan ang tungkol sa isyu nang RH law na tinutulan nang Simbahan, ang pagpapahayag nang mga pamantayan sa tamang pagboto, at iba pang mga social issues. Bagaman ito ay isang survey na pwede nating paniwalaan o hindi paniwalaan, maganda na ito ay ating pag-isipan. 

Sa Belgium, si Archbishop Andre-Joseph Leonard ay nagpapahayag nang turo nang Simbahan tungkol sa homosexuality ay sinigawan, binuhusan nang tubig nang mga hubad na kababaihan habang nasa isang forum.(forumhttps://www.facebook.com/photo.php?fbid=370721629698734&set=a.368953113208919.1073741828.368930013211229&type=1&theater) Di na nila iginalang ang matanda. Bakit kaya?

Sa Mabuting Balita ngayon ipinahayag ni Hesus na: “Ngunit napopoot sa inyo ang mundo dahil hindi kayo mula sa mundo kundi ako ang humirang sa inyo mula sa mundo.”

Mauunawaan natin ang bahaging ito nang isinulat ni San Juan kung babalikan natin ang kalagayan nang kanilang komunidad noong panahong iyon. Marami ang galit sa mga Kristiyano sapagkat tumutol sila na sambahin ang diyos nang emperyong Romano. Ito kase ang palatandaan na kinikilala nila ang pamumuno nang Cesar. Pero ang Diyos ang hari na kanilang kinikilala. Siya lamang ang dapat na sundin. Ito ang dahilan kung bakit marami sa unang kristiyano ang naging martir dahil sa paninindigan sa pananampalataya.
Sa panahon ngayon ito rin ang magandang maging gabay. Ang kalooban nang Diyos ang dapat na laging nasusunod. Hindi ang kalooban nang nakararami. Hindi ang kagustuhan nang mga nasa kapangyarihan. Ang susundin ay ang diyos lamang.

Bakit kaya? Sapagkat hindi tinutupad ang salita ni Kristo! Mapoot man ang mundo, ang mahalaga sinusunod natin si Kristo.


Huwebes, Mayo 2, 2013

Daan

Daan
(Jn. 14: 6-14)

Pag halimbawa pumunta kayo sa isang lugar na hindi nyo alam kayo ay magtatanong kung saan ang daan patungo sa inyong patutunguhan. At pag sinabi nang pinagtanungan ninyo na: lumiko ka sa ikalawang kanto, taos kumanan ka, tapos kumaliwa ka sa susunod na kanto, may makikita kang simbahan, lalampas ka pa doon, tapos kakanan ka ulit…Malamang na hindi mo masundan ang itinuturo niyang daan. Pero kapag sinabi nang pinagtanungan ninyo na: sasamahan ko na kayo sa inyong pupuntahan. Siguradong di ka maliligaw. Siguradong makakarating ka sa iyong patutunguhan sapagkat alam niya ang daan.

Ito ang ginawa ni Hesus. Ang sabi niya: “Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay.” Hindi lang niya tayo tinuruan tungkol sa paglalakbay. Ginabayan pa tayo. Sinamahan sa paglakad sa daan patungo sa pagkakaroon nang buhay…buhay na walang hanggan.

Hindi lang nya itinuro ang daan. Siya na mismo ang naging daan.

Hwag nang maligaw. Matuto kay Hesus. Magpaakay kay Hesus.

Miyerkules, Mayo 1, 2013

How Do I Love Thee?




How do I love Thee?
(Jn. 15:9-11)

Alam nyo ba yung tula ni Elizabeth Browning na “How Do I Love Thee? Let me count the ways”? Ito  yun…

How do I love thee? Let me count the ways.
I love thee to the depth and breadth and height
My soul can reach, when feeling out of sight
For the ends of Being and ideal Grace.
I love thee to the level of everyday's
Most quiet need, by sun and candle-light.
I love thee freely, as men strive for Right;
I love thee purely, as they turn from Praise.
I love thee with a passion put to use
In my old griefs, and with my childhood's faith.
I love thee with a love I seemed to lose
With my lost saints, --- I love thee with the breath,
Smiles, tears, of all my life! --- and, if God choose,
I shall but love thee better after death.

Si Hesus nagpahayag din kung papaano niya tayo minamahal. Ang sabi niya: “Katulad nang pagmamahal sa akin nang Ama, gayundin ang pagmamahal ko sa inyo.” At dahil nga sa walang hanggan ang pagmamahalan nang Ama at ni Hesus makakasa tayo na walang hanggan din ang pagmamahal ni Hesus sa atin.

Kaya nga kung sa akala mo ay nag-iisa ka at walang nagmamahal, alalahanin mo ang sabi ni Hesus. Mahal ka nya. Jesus loves you much!

On Labor Day

On Labor Day
(Feast of Saint Joseph)

Sa isang klase nang Christology sa isang kolehiyo napag-usapan ang tungkol ang remuneration o yung tungkol sa kung paano sukatin ang lakas paggawa at tumbasan nang kaukulang halaga. Papaano nga ba?

Sa mga pagpapalitan nang kuro-kuro maraming mga katanungan ang gumulat at bumulaga sa bawat isa, mga katanungan na hindi pinapansin kahit na nagdudumilat ang katotohanan saanman tayo tumingin. Mga katanungan na: Bakit merong mayaman at merong mahirap? Papaano nakuha nang mayayaman ang kanilang estado ngayon? Ito ba ay dahil sa kanilang pagsusumikap o ito ba ay galing sa di makatarungang mga gawa? Sabi nang iba, maaaring ito daw ay namana pero ganun pa din ang katanungan: Saan nakuha nang nagpamana sa kanila ang mga kayamanan na ito?

Bakit mas malaki ang sweldo nang nagtatrabaho sa magaganda at de-aircon na opisina kesa mga laborer na nagtatrabaho maghapon sa ilalim nang init nang sikat nang araw? Bakit ang mga magsasaka ipinagbibili nila ang mga magagandang klase nang palay at bigas at ang kanilang kinakain ay yaong mga mababang kalidad? Bakit ang mga mangingisda ipinagbibili nila ang mga mamahaling isda at ang kanilang kinakain ay yaong mga mumurahing huli nila?

Bakit nga ba hindi pantay ang buhay nang tao? Mayroong mga aba at mahihirap at sa kabila naman ay may nananagana?

Nagsimula daw na lumaki ang agwat nang mahirap at mayaman noong nagsimula ang Industrial Revolution. Mayroon na noong pagitan ang dalawa pero sa pagkakaimbento nang mga makina marami ang nawalan nang trabaho. Maraming mga manggagawa ang tinganggal at ang ipinalit ay mga makina na mas mabilis gumawa, mas consistent sa mga produkto, hindi nagrereklamo, at higit sa lahat mas mababa ang gastos kumpara sa pagpapasweldo. Kung dati noon ay maraming nagtatrabaho upang gumawa nang damit, sapatos at iba pa, napalitan ito nang mga imbensyon na ilang ulit na mas mabilis sa paggawa.

Tingnan natin sa karanasan nang mga magbubukid. Noong minsan na umuwi ako nang probinsya napansin ko na anihan na nang palay. Pero kapansin-pansin na umunti na yung mga taong nag-aani sapagkat mayroon nang mga makabagong makina na mas mabilis mag-ani nang palay. Lagyan mo lang nang gasolina at ilang tao na mag-ooperate nito madali na ang pag-aani. Bawas sa gastos at mas madami ang tubo. Pero ang tanong: saan na napunta ang mga dating nagtatrabaho sa pag-aani nang palay? Sabi nila ito daw ay katotohanan nang pag-unlad.

Ito ang mukha nang negosyo. Ang pangunahing prinsipyo ay: “Konte ang gastos, malaki ang kita. Mababang pasahod, lalaki ang tubo.” Pero sa ganitong prinsipsyo ang unang-una na isinasakripisyo ay ang lakas-paggawa. Kaya nga hanggang ngayon ay malikng usapin pa din ang mga contractual employees. (Tanungin nyo po ang mga kontrakwal na manggagawa lalo na sa gobyerno.)

Ngayong Labor Day maganda na alalahanin natin ang mga Catholic Social Teachings nang Simbahan. Ito yung mga turo at gabay para sa bawat isa na tumutukoy sa maka-Kristiyanong pagtingin sa bawat isa lalo na sa mga manggagawa.

Halimbawa dito ay ang turo tungkol sa tamang pasahod. Ang turo nang Simbahan ay: “Remuneration for labour is to be such that man may be furnished the means to cultivate worthily his own material, social, cultural, and spiritual life and that of his dependents, in view of the function and productiveness of each one, the conditions of the factory or workshop, and the common good.” (GS 67) The simple agreement between employee and employer with regard to the amount of pay to be received is not sufficient for the agreed-upon salary to qualify as a “just wage” because a just wage must not be below the level of subsistence of the worker: natural justice precedes and is above the freedom of the contract.” (RN 131)

Ang tamang sahod pala ay di nakabatay sa kontrata o sa pinagkasunduan. Ito rin kase ang ginagamit nang mga malalaking kumpanya upang kumuha nang manggagawa. At dahil sa hirap nang buhay tinatanggap na lang kahit na nga di makatarungan. Ang tamang pasahod ay dapat na nakakasapat sa pag-pupuno sa mga basic needs di lamang nang nagtatrabaho pero pati na rin nang kaniyang pamilya na umaasa sa kanya. Ang tamang pasahod ay nagdudulot sa isang tao kasama na ang kanyang pamilya na mabuhay nang “tao” at hindi kapantay nang hayop.

Alagaan natin ang mga manggagawa! Tulungan natin sila…

Mabuhay ang mga Mangagawa! Mabuhay si San Jose!

Lunes, Abril 29, 2013

Career or Family?

Career or Family?

What will you choose? Career or family?

I know a dozen of people who chose the path of career. They are successful in the field they chose. Some of them are wealthy and some are in the high society. But successful as they are, their family suffered. Some ended with their family broken. Others ended aging alone. There are also those who are respected by the society but not with his or her family.

I also know some people who choose to be with the family. They sacrifice the good offer of big companies to work in a far place to be with the family. They opted to be close to family instead of accepting working in a greener pastures. They opted not to extend working extra hours just to be home and watch their children grow up.

Career or family? Well, we can always rationalize that one is working hard, going to unfamiliar places, putting extra time in the career because that is also for the family…for the children who will grow up…to have a good future…But is it? Or might it be for the self-satisfaction in being successful?

The same is also the dilemma of superheroes. In Ironman 3, ironman’s wife is put in great danger brought by the antagonist’s wish to kill the hero. In Spiderman 1, Parker choose not to pursue the relationship with MJ because he knows that those who are angry with Spiderman will harm those whom he loves for it will bring Spiderman into a greater pain if the one he loves will be in harm’s way. And finally in the telenovela Juan de La Cruz, Juan is careful not to expose his real identity, hiding it even to Rosario, for Juan does not want her to be harm once the Aswangs know that Juan is the Tagabantay.

So, career or family? Pick one!

But hey…Why the heck do I write about these things? Perhaps, epekto nang kapapanood nang mga superheroes...

Perhaps I have to go back to the thing I do best, i.e. to sleep…

God’s night guys…