Huwebes, Mayo 2, 2013

Daan

Daan
(Jn. 14: 6-14)

Pag halimbawa pumunta kayo sa isang lugar na hindi nyo alam kayo ay magtatanong kung saan ang daan patungo sa inyong patutunguhan. At pag sinabi nang pinagtanungan ninyo na: lumiko ka sa ikalawang kanto, taos kumanan ka, tapos kumaliwa ka sa susunod na kanto, may makikita kang simbahan, lalampas ka pa doon, tapos kakanan ka ulit…Malamang na hindi mo masundan ang itinuturo niyang daan. Pero kapag sinabi nang pinagtanungan ninyo na: sasamahan ko na kayo sa inyong pupuntahan. Siguradong di ka maliligaw. Siguradong makakarating ka sa iyong patutunguhan sapagkat alam niya ang daan.

Ito ang ginawa ni Hesus. Ang sabi niya: “Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay.” Hindi lang niya tayo tinuruan tungkol sa paglalakbay. Ginabayan pa tayo. Sinamahan sa paglakad sa daan patungo sa pagkakaroon nang buhay…buhay na walang hanggan.

Hindi lang nya itinuro ang daan. Siya na mismo ang naging daan.

Hwag nang maligaw. Matuto kay Hesus. Magpaakay kay Hesus.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento