On Labor Day
(Feast of Saint Joseph)
Sa isang klase nang Christology sa isang kolehiyo napag-usapan ang
tungkol ang remuneration o yung tungkol sa kung paano sukatin ang lakas
paggawa at tumbasan nang kaukulang halaga. Papaano nga ba?
Sa
mga pagpapalitan nang kuro-kuro maraming mga katanungan ang gumulat at
bumulaga sa bawat isa, mga katanungan na hindi pinapansin kahit na
nagdudumilat ang katotohanan saanman
tayo tumingin. Mga katanungan na: Bakit merong mayaman at merong
mahirap? Papaano nakuha nang mayayaman ang kanilang estado ngayon? Ito
ba ay dahil sa kanilang pagsusumikap o ito ba ay galing sa di
makatarungang mga gawa? Sabi nang iba, maaaring ito daw ay namana pero
ganun pa din ang katanungan: Saan nakuha nang nagpamana sa kanila ang
mga kayamanan na ito?
Bakit mas malaki ang sweldo nang
nagtatrabaho sa magaganda at de-aircon na opisina kesa mga laborer na
nagtatrabaho maghapon sa ilalim nang init nang sikat nang araw? Bakit
ang mga magsasaka ipinagbibili nila ang mga magagandang klase nang palay
at bigas at ang kanilang kinakain ay yaong mga mababang kalidad? Bakit
ang mga mangingisda ipinagbibili nila ang mga mamahaling isda at ang
kanilang kinakain ay yaong mga mumurahing huli nila?
Bakit nga ba hindi pantay ang buhay nang tao? Mayroong mga aba at mahihirap at sa kabila naman ay may nananagana?
Nagsimula daw na lumaki ang agwat nang mahirap at mayaman noong
nagsimula ang Industrial Revolution. Mayroon na noong pagitan ang dalawa
pero sa pagkakaimbento nang mga makina marami ang nawalan nang trabaho.
Maraming mga manggagawa ang tinganggal at ang ipinalit ay mga makina na
mas mabilis gumawa, mas consistent sa mga produkto, hindi nagrereklamo,
at higit sa lahat mas mababa ang gastos kumpara sa pagpapasweldo. Kung
dati noon ay maraming nagtatrabaho upang gumawa nang damit, sapatos at
iba pa, napalitan ito nang mga imbensyon na ilang ulit na mas mabilis sa
paggawa.
Tingnan natin sa karanasan nang mga magbubukid. Noong
minsan na umuwi ako nang probinsya napansin ko na anihan na nang
palay. Pero kapansin-pansin na umunti na yung mga taong nag-aani
sapagkat mayroon nang mga makabagong makina na mas mabilis mag-ani nang
palay. Lagyan mo lang nang gasolina at ilang tao na mag-ooperate nito
madali na ang pag-aani. Bawas sa gastos at mas madami ang tubo. Pero ang
tanong: saan na napunta ang mga dating nagtatrabaho sa pag-aani nang
palay? Sabi nila ito daw ay katotohanan nang pag-unlad.
Ito ang
mukha nang negosyo. Ang pangunahing prinsipyo ay: “Konte ang gastos,
malaki ang kita. Mababang pasahod, lalaki ang tubo.” Pero sa ganitong
prinsipsyo ang unang-una na isinasakripisyo ay ang lakas-paggawa. Kaya
nga hanggang ngayon ay malikng usapin pa din ang mga contractual
employees. (Tanungin nyo po ang mga kontrakwal na manggagawa lalo na sa
gobyerno.)
Ngayong Labor Day maganda na alalahanin natin ang
mga Catholic Social Teachings nang Simbahan. Ito yung mga turo at gabay
para sa bawat isa na tumutukoy sa maka-Kristiyanong pagtingin sa bawat
isa lalo na sa mga manggagawa.
Halimbawa dito ay ang turo
tungkol sa tamang pasahod. Ang turo nang Simbahan ay: “Remuneration for
labour is to be such that man may be furnished the means to cultivate
worthily his own material, social, cultural, and spiritual life and that
of his dependents, in view of the function and productiveness of each
one, the conditions of the factory or workshop, and the common good.”
(GS 67) The simple agreement between employee and employer with regard
to the amount of pay to be received is not sufficient for the
agreed-upon salary to qualify as a “just wage” because a just wage must
not be below the level of subsistence of the worker: natural justice
precedes and is above the freedom of the contract.” (RN 131)
Ang tamang sahod pala ay di nakabatay sa kontrata o sa pinagkasunduan.
Ito rin kase ang ginagamit nang mga malalaking kumpanya upang kumuha
nang manggagawa. At dahil sa hirap nang buhay tinatanggap na lang kahit
na nga di makatarungan. Ang tamang pasahod ay dapat na nakakasapat sa
pag-pupuno sa mga basic needs di lamang nang nagtatrabaho pero pati na
rin nang kaniyang pamilya na umaasa sa kanya. Ang tamang pasahod ay
nagdudulot sa isang tao kasama na ang kanyang pamilya na mabuhay nang
“tao” at hindi kapantay nang hayop.
Alagaan natin ang mga manggagawa! Tulungan natin sila…
Mabuhay ang mga Mangagawa! Mabuhay si San Jose!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento