Bakit Kaya?
(Jn.
15:18-31)
Bakit kaya maraming nagagalit at tumutuligasa sa Simbahang
Katolika?
Kamakailan lang ay may naglabas nang survey na nababawasan
daw ang mga nagsisimba. Ang dahilan daw nito ay sapagkat nakikihalo ang
Simbahan sa pulitika kasama na diyan ang tungkol sa isyu nang RH law na
tinutulan nang Simbahan, ang pagpapahayag nang mga pamantayan sa tamang
pagboto, at iba pang mga social issues. Bagaman ito ay isang survey na pwede
nating paniwalaan o hindi paniwalaan, maganda na ito ay ating pag-isipan.
Sa Belgium, si Archbishop Andre-Joseph Leonard ay
nagpapahayag nang turo nang Simbahan tungkol sa homosexuality ay sinigawan,
binuhusan nang tubig nang mga hubad na kababaihan habang nasa isang
forum.(forumhttps://www.facebook.com/photo.php?fbid=370721629698734&set=a.368953113208919.1073741828.368930013211229&type=1&theater)
Di na nila iginalang ang matanda. Bakit kaya?
Sa Mabuting Balita ngayon ipinahayag ni Hesus na: “Ngunit
napopoot sa inyo ang mundo dahil hindi kayo mula sa mundo kundi ako ang
humirang sa inyo mula sa mundo.”
Mauunawaan natin ang bahaging ito nang isinulat ni San Juan
kung babalikan natin ang kalagayan nang kanilang komunidad noong panahong iyon.
Marami ang galit sa mga Kristiyano sapagkat tumutol sila na sambahin ang diyos
nang emperyong Romano. Ito kase ang palatandaan na kinikilala nila ang pamumuno
nang Cesar. Pero ang Diyos ang hari na kanilang kinikilala. Siya lamang ang
dapat na sundin. Ito ang dahilan kung bakit marami sa unang kristiyano ang
naging martir dahil sa paninindigan sa pananampalataya.
Sa panahon ngayon ito rin ang magandang maging gabay. Ang
kalooban nang Diyos ang dapat na laging nasusunod. Hindi ang kalooban nang
nakararami. Hindi ang kagustuhan nang mga nasa kapangyarihan. Ang susundin ay
ang diyos lamang.
Bakit kaya? Sapagkat hindi tinutupad ang salita ni Kristo! Mapoot
man ang mundo, ang mahalaga sinusunod natin si Kristo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento