Rejection
(Jn. 15: 26 – 16:4)
Si Michael Jordan ang itinuturing na isa sa pinakamagaling na manlalaro
sa buong mundo. Pero alam nyo ba na nung nagsisimula pa lang siya ay
naka-experience siya nang rejection? Siaya ay nasa edad na 16 years noon
at ang mga kasama niya ay mas may edad sa kanya. Kahit na magaling siya
maglaro nang basketball hindi siya isinali sa team sapagkat bata pa
siya at ang isinali ay yung mga
manlalaro na may edad na 18. Kaya nga si Michael ay walang nagawa kundi
maglaro sa junior varsity na mga manlalaro na may edad na tulad nang sa
kanya. Dahil doon siya ay nagsikap na pagbutihin ang kanyang paglalaro.
Na-reject man siya noon ito naman ang naging motibasyon noya na
mag-ensayo upang gumaling siya sa paglalaro nang basketball. Siya ngayon
ang itinuturing na pinakamagaling na manlalaro nang basketball.
Lahat tayo gusto nating tinatanggap tayo. Ayaw natin yung tayo ay hindi
nagiging bhagi nang kung ano man ang gusto nating samahan. Ayaw natin
yung nare-reject.
Pero tandaan natin na kahit si Hesus ay hindi rin
tinanggap nang marami. Na-reject din siya. Pero hindi iyon naging
hadlang upang ipagpatuloy ang plano nang Diyos.
Na-reject ka ba? Hindi ka ba tinanggap? Maging hamon sana iyan na ikaw ay magpakabuti…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento