Huwebes, Mayo 2, 2013

Daan

Daan
(Jn. 14: 6-14)

Pag halimbawa pumunta kayo sa isang lugar na hindi nyo alam kayo ay magtatanong kung saan ang daan patungo sa inyong patutunguhan. At pag sinabi nang pinagtanungan ninyo na: lumiko ka sa ikalawang kanto, taos kumanan ka, tapos kumaliwa ka sa susunod na kanto, may makikita kang simbahan, lalampas ka pa doon, tapos kakanan ka ulit…Malamang na hindi mo masundan ang itinuturo niyang daan. Pero kapag sinabi nang pinagtanungan ninyo na: sasamahan ko na kayo sa inyong pupuntahan. Siguradong di ka maliligaw. Siguradong makakarating ka sa iyong patutunguhan sapagkat alam niya ang daan.

Ito ang ginawa ni Hesus. Ang sabi niya: “Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay.” Hindi lang niya tayo tinuruan tungkol sa paglalakbay. Ginabayan pa tayo. Sinamahan sa paglakad sa daan patungo sa pagkakaroon nang buhay…buhay na walang hanggan.

Hindi lang nya itinuro ang daan. Siya na mismo ang naging daan.

Hwag nang maligaw. Matuto kay Hesus. Magpaakay kay Hesus.

Miyerkules, Mayo 1, 2013

How Do I Love Thee?




How do I love Thee?
(Jn. 15:9-11)

Alam nyo ba yung tula ni Elizabeth Browning na “How Do I Love Thee? Let me count the ways”? Ito  yun…

How do I love thee? Let me count the ways.
I love thee to the depth and breadth and height
My soul can reach, when feeling out of sight
For the ends of Being and ideal Grace.
I love thee to the level of everyday's
Most quiet need, by sun and candle-light.
I love thee freely, as men strive for Right;
I love thee purely, as they turn from Praise.
I love thee with a passion put to use
In my old griefs, and with my childhood's faith.
I love thee with a love I seemed to lose
With my lost saints, --- I love thee with the breath,
Smiles, tears, of all my life! --- and, if God choose,
I shall but love thee better after death.

Si Hesus nagpahayag din kung papaano niya tayo minamahal. Ang sabi niya: “Katulad nang pagmamahal sa akin nang Ama, gayundin ang pagmamahal ko sa inyo.” At dahil nga sa walang hanggan ang pagmamahalan nang Ama at ni Hesus makakasa tayo na walang hanggan din ang pagmamahal ni Hesus sa atin.

Kaya nga kung sa akala mo ay nag-iisa ka at walang nagmamahal, alalahanin mo ang sabi ni Hesus. Mahal ka nya. Jesus loves you much!

On Labor Day

On Labor Day
(Feast of Saint Joseph)

Sa isang klase nang Christology sa isang kolehiyo napag-usapan ang tungkol ang remuneration o yung tungkol sa kung paano sukatin ang lakas paggawa at tumbasan nang kaukulang halaga. Papaano nga ba?

Sa mga pagpapalitan nang kuro-kuro maraming mga katanungan ang gumulat at bumulaga sa bawat isa, mga katanungan na hindi pinapansin kahit na nagdudumilat ang katotohanan saanman tayo tumingin. Mga katanungan na: Bakit merong mayaman at merong mahirap? Papaano nakuha nang mayayaman ang kanilang estado ngayon? Ito ba ay dahil sa kanilang pagsusumikap o ito ba ay galing sa di makatarungang mga gawa? Sabi nang iba, maaaring ito daw ay namana pero ganun pa din ang katanungan: Saan nakuha nang nagpamana sa kanila ang mga kayamanan na ito?

Bakit mas malaki ang sweldo nang nagtatrabaho sa magaganda at de-aircon na opisina kesa mga laborer na nagtatrabaho maghapon sa ilalim nang init nang sikat nang araw? Bakit ang mga magsasaka ipinagbibili nila ang mga magagandang klase nang palay at bigas at ang kanilang kinakain ay yaong mga mababang kalidad? Bakit ang mga mangingisda ipinagbibili nila ang mga mamahaling isda at ang kanilang kinakain ay yaong mga mumurahing huli nila?

Bakit nga ba hindi pantay ang buhay nang tao? Mayroong mga aba at mahihirap at sa kabila naman ay may nananagana?

Nagsimula daw na lumaki ang agwat nang mahirap at mayaman noong nagsimula ang Industrial Revolution. Mayroon na noong pagitan ang dalawa pero sa pagkakaimbento nang mga makina marami ang nawalan nang trabaho. Maraming mga manggagawa ang tinganggal at ang ipinalit ay mga makina na mas mabilis gumawa, mas consistent sa mga produkto, hindi nagrereklamo, at higit sa lahat mas mababa ang gastos kumpara sa pagpapasweldo. Kung dati noon ay maraming nagtatrabaho upang gumawa nang damit, sapatos at iba pa, napalitan ito nang mga imbensyon na ilang ulit na mas mabilis sa paggawa.

Tingnan natin sa karanasan nang mga magbubukid. Noong minsan na umuwi ako nang probinsya napansin ko na anihan na nang palay. Pero kapansin-pansin na umunti na yung mga taong nag-aani sapagkat mayroon nang mga makabagong makina na mas mabilis mag-ani nang palay. Lagyan mo lang nang gasolina at ilang tao na mag-ooperate nito madali na ang pag-aani. Bawas sa gastos at mas madami ang tubo. Pero ang tanong: saan na napunta ang mga dating nagtatrabaho sa pag-aani nang palay? Sabi nila ito daw ay katotohanan nang pag-unlad.

Ito ang mukha nang negosyo. Ang pangunahing prinsipyo ay: “Konte ang gastos, malaki ang kita. Mababang pasahod, lalaki ang tubo.” Pero sa ganitong prinsipsyo ang unang-una na isinasakripisyo ay ang lakas-paggawa. Kaya nga hanggang ngayon ay malikng usapin pa din ang mga contractual employees. (Tanungin nyo po ang mga kontrakwal na manggagawa lalo na sa gobyerno.)

Ngayong Labor Day maganda na alalahanin natin ang mga Catholic Social Teachings nang Simbahan. Ito yung mga turo at gabay para sa bawat isa na tumutukoy sa maka-Kristiyanong pagtingin sa bawat isa lalo na sa mga manggagawa.

Halimbawa dito ay ang turo tungkol sa tamang pasahod. Ang turo nang Simbahan ay: “Remuneration for labour is to be such that man may be furnished the means to cultivate worthily his own material, social, cultural, and spiritual life and that of his dependents, in view of the function and productiveness of each one, the conditions of the factory or workshop, and the common good.” (GS 67) The simple agreement between employee and employer with regard to the amount of pay to be received is not sufficient for the agreed-upon salary to qualify as a “just wage” because a just wage must not be below the level of subsistence of the worker: natural justice precedes and is above the freedom of the contract.” (RN 131)

Ang tamang sahod pala ay di nakabatay sa kontrata o sa pinagkasunduan. Ito rin kase ang ginagamit nang mga malalaking kumpanya upang kumuha nang manggagawa. At dahil sa hirap nang buhay tinatanggap na lang kahit na nga di makatarungan. Ang tamang pasahod ay dapat na nakakasapat sa pag-pupuno sa mga basic needs di lamang nang nagtatrabaho pero pati na rin nang kaniyang pamilya na umaasa sa kanya. Ang tamang pasahod ay nagdudulot sa isang tao kasama na ang kanyang pamilya na mabuhay nang “tao” at hindi kapantay nang hayop.

Alagaan natin ang mga manggagawa! Tulungan natin sila…

Mabuhay ang mga Mangagawa! Mabuhay si San Jose!

Lunes, Abril 29, 2013

Career or Family?

Career or Family?

What will you choose? Career or family?

I know a dozen of people who chose the path of career. They are successful in the field they chose. Some of them are wealthy and some are in the high society. But successful as they are, their family suffered. Some ended with their family broken. Others ended aging alone. There are also those who are respected by the society but not with his or her family.

I also know some people who choose to be with the family. They sacrifice the good offer of big companies to work in a far place to be with the family. They opted to be close to family instead of accepting working in a greener pastures. They opted not to extend working extra hours just to be home and watch their children grow up.

Career or family? Well, we can always rationalize that one is working hard, going to unfamiliar places, putting extra time in the career because that is also for the family…for the children who will grow up…to have a good future…But is it? Or might it be for the self-satisfaction in being successful?

The same is also the dilemma of superheroes. In Ironman 3, ironman’s wife is put in great danger brought by the antagonist’s wish to kill the hero. In Spiderman 1, Parker choose not to pursue the relationship with MJ because he knows that those who are angry with Spiderman will harm those whom he loves for it will bring Spiderman into a greater pain if the one he loves will be in harm’s way. And finally in the telenovela Juan de La Cruz, Juan is careful not to expose his real identity, hiding it even to Rosario, for Juan does not want her to be harm once the Aswangs know that Juan is the Tagabantay.

So, career or family? Pick one!

But hey…Why the heck do I write about these things? Perhaps, epekto nang kapapanood nang mga superheroes...

Perhaps I have to go back to the thing I do best, i.e. to sleep…

God’s night guys…

Linggo, Abril 28, 2013

love is a verb



Love is a Verb
(Jn. 14: 21-26)

Action speaks louder than words.

We define love in so many ways. But what really is love?

We may describe love, we may illustrate love, we may use different sweet but highfaluting words, we may say we did experience love…but one thing is for sure: To love is to will and act for the good of the beloved.

Kung ang isang tao ay nagmamahal, ipinapakita niya iyon sa mga gawa. Nakakakilig ang salita pero dapat ito ay nasasalamin sa gawa. 

Ang sabi ni Hesus: “Ang tumutupad sa tinanggap niyang mga kautusan ko, siya ang nagmamahal sa akin.” Ito pala ang sukatan nang pagmamahal. Ang pagsunod sa ipinag-uutos…ang paggawa nang kalooban ni Hesus.

Love is better understood when it is outwardly expressed. It is not only words. It is action. Ang sabi nga: “Love is not a noun. Love is a verb. Love is an action word.”

Sabado, Abril 27, 2013

huling habilin

Huling Habilin
(Jn. 13: 31-35)

Kapag may isang aalis at may maiiwan sa bahay karaniwan na nagbibigay nang mga habilin. Halimbawa, kapag ang magulang ay aalis at maiiwan sa bahay ang mga anak magbibilin ito nang: “Magluto kayo nang pagkain natin; alagaan ang inyong batang kapatid; maglinis nang bahay; pakainin ang alagang aso…”

Gayundin kapag merong malapit nang pumanaw karaniwan na nag-iiwan ito nang habilin…last will and testament. Kailangan ito upang sa kanyang paglisan ay maging maayos ang lahat.

May isang kwento tungkol sa isang businessman na Intsik. Tinaningan na nang doctor ang kanyang buhay. Di na siya magtatagal. Alam iyon nang kanyang mga anak. Sa banig nang karamdaman paggising niya ay nasa harap na niya ang kanyang mga anak. Doon siya nabigay nang huling habilin. Pero bigla siyang lumakas nang mapagtanto niya na lahat nang mga anak niya ay nandun. Nagalit ito. Tinanong siya nang kanyang mga anak kung bakit ito nagagalit. Sinabi nang matanda: “ Nandito kayo lahat sa tabi ko, sino ang nagbababantay nang ating tindahan?” Kahit na malapit nang pumanaw ang nasa isip pa din ay yaman…

Si Hesus alam niya na siya ay malapit nang mamatay. Tanggap na niya ang kayang kapalaran sa krus. Kaunting oras na lang ang kanilang pagsasama nang mga alagad. Kinailangan niyang magbigay nang huling habilin sa mga ito. Ano ang kanyang habilin? Mag-ibigan kayo.

Bago siya lumisan ibinilin niya na ang pag-ibig ang siyang maging identity nila na tagasunod ni Hesus. Pero hindi lamang pag-ibig. Ang pag-ibig na tinutukoy niya ay ang pag-ibig na ibinahagi niya. Ito yung pag-ibig na mapagpakumbaba; pag-ibig na handang ibigay ang sarili para sa minamahal; pag-ibig na ang iniisip at ang ginagawa ay kung ano ang mabuti sa iniibig; pag-ibig na handang ialay ang buhay para sa iba. Ito ang modelo na ibinigay ni Hesus.

Madali ang magmahal nang taong gusto nating mahalin. Madaling mahalin ang mga gwapo at magaganda (ehemmm). Madaling mahalin ang mga mababango. Madaling mahalin ang mga mayayaman, sikat at makapangyarihan. Madaling mahalin si father…Madaling mahalin ang isang tao na meron tayong makukuhang kapalit!

Pero hindi to ang modelo nang pagmamahal ni Hesus. Ang pagmamahal na ipinakita niya ay yung pagmamahal na hindi naghihintay nang kapalit. Ipinakita niya na mahalin ang mga taong hindi karapat-dapat na mahalin. Mahirap mahalin ang mga mahihirap, ang mga mababaho, ang mga pangit, ang mga walang boses sa lipunan, ang mga taong sa tingin nang marami ay basura nang lipunan. Pero sila ang minahal ni Hesus. At sila pa nga ang unang sumunod kay Hesus. Sila ang unang tumanggap nang kaharian nang Diyos.

Noong 2006 isang seminaristang Heswita na nagngangalang Richie Fernando ang ipinadala sa Cambodia upang magturo. Isang araw, isang estudyante ang pumunta sa school na pinagtuturuan niya upang pasabugin ang isang granada sa mga mag-aaral doon. Pinigilan ni Richie ito. Nahulog ang granada. Dinapaan niya ito at siya ang nasabugan. Nawalan nang buhay si Richie pero ang kapalit naman nito ay maraming buhay nang mga estudyante. Si Richie sinundan niya ang pag-ibig na ipinakita ni Hesus.

Sa ating buhay sana matutuhan nating umibig…tunay na umibig katulad ni Hesus! Makikilala tayong tagasunod ni Kristo kung tutularan natin siya sa kanyang pagmamahal...

Biyernes, Abril 26, 2013

Salamin

Salamin
(Jn. 14: 7-14)

Kapag humarap kasa malaking salamin, makikita mo ang imahe nang iyong sarili. Di ito iba sa iyo sapagkat ang sarili mong mukha, katawan, kulay, at iba pa ang makikita mo. Ikaw talaga iyon. At dahil sarili mong imahe iyon, magkakaroon ka nang relasyon ditto. Mamahalin mo ito sapagkat ikaw iyon. Tatlo pero iisa pa din…

Ito daw po ang pwede nating gamiting simbolo upang kahit kaunti ay maunawaan natin ang Banal na Santatlo. Ang Trinity ay isang misteryo nang ating pananampalataya at ito ay lubos nating maiintindihan kapag tayo ay nasa kanya na. Isang Diyos tatlong persona. Ama, Anak, at Espirito Santo.

Ang Diyos Ama ang nagmahal, ang Anak ang minamahal at ang banal na Espirito ang pagmamahal na nagbubuklod. Love, lover and the beloved.

Sa Mabuting Balita ngayon, Ipinahayag ni Hesus na siya at ang Ama ay iisa. Kaya nga anumang hingin ninyo sa Ngalan ni Hesus ay gagawin niya upang luwalhatiin nang Ama sa Anak.

Kung may mga panalangin pala tayo, si Hesus ang namamagitan. Si Hesus din kase ang namagitan upang mapanauli ang relasyon natin sa Diyos noong sirain ito nang kasalanan. Kaya nga maganda na sa lahat nang ating ginagawa, pangalan ni Hesus an gating alalahanin. Siya ang mag-aakay sa ating palapit sa Ama. Ang Banal na Espirito naman ang magmumulat sa atin at magsisimula sa ating puso nang pangangailangan natin na bumalik na sa Ama.