Biyernes, Abril 26, 2013

Salamin

Salamin
(Jn. 14: 7-14)

Kapag humarap kasa malaking salamin, makikita mo ang imahe nang iyong sarili. Di ito iba sa iyo sapagkat ang sarili mong mukha, katawan, kulay, at iba pa ang makikita mo. Ikaw talaga iyon. At dahil sarili mong imahe iyon, magkakaroon ka nang relasyon ditto. Mamahalin mo ito sapagkat ikaw iyon. Tatlo pero iisa pa din…

Ito daw po ang pwede nating gamiting simbolo upang kahit kaunti ay maunawaan natin ang Banal na Santatlo. Ang Trinity ay isang misteryo nang ating pananampalataya at ito ay lubos nating maiintindihan kapag tayo ay nasa kanya na. Isang Diyos tatlong persona. Ama, Anak, at Espirito Santo.

Ang Diyos Ama ang nagmahal, ang Anak ang minamahal at ang banal na Espirito ang pagmamahal na nagbubuklod. Love, lover and the beloved.

Sa Mabuting Balita ngayon, Ipinahayag ni Hesus na siya at ang Ama ay iisa. Kaya nga anumang hingin ninyo sa Ngalan ni Hesus ay gagawin niya upang luwalhatiin nang Ama sa Anak.

Kung may mga panalangin pala tayo, si Hesus ang namamagitan. Si Hesus din kase ang namagitan upang mapanauli ang relasyon natin sa Diyos noong sirain ito nang kasalanan. Kaya nga maganda na sa lahat nang ating ginagawa, pangalan ni Hesus an gating alalahanin. Siya ang mag-aakay sa ating palapit sa Ama. Ang Banal na Espirito naman ang magmumulat sa atin at magsisimula sa ating puso nang pangangailangan natin na bumalik na sa Ama.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento