Huling Habilin
(Jn. 13: 31-35)
Kapag may isang aalis at may maiiwan sa bahay karaniwan na nagbibigay
nang mga habilin. Halimbawa, kapag ang magulang ay aalis at maiiwan sa
bahay ang mga anak magbibilin ito nang: “Magluto kayo nang pagkain
natin; alagaan ang inyong batang kapatid; maglinis nang bahay; pakainin
ang alagang aso…”
Gayundin kapag merong malapit nang pumanaw karaniwan na nag-iiwan ito nang habilin…last will and testament. Kailangan ito upang sa kanyang paglisan ay maging maayos ang lahat.
May isang kwento tungkol sa isang businessman na Intsik. Tinaningan na
nang doctor ang kanyang buhay. Di na siya magtatagal. Alam iyon nang
kanyang mga anak. Sa banig nang karamdaman paggising niya ay nasa harap
na niya ang kanyang mga anak. Doon siya nabigay nang huling habilin.
Pero bigla siyang lumakas nang mapagtanto niya na lahat nang mga anak
niya ay nandun. Nagalit ito. Tinanong siya nang kanyang mga anak kung
bakit ito nagagalit. Sinabi nang matanda: “ Nandito kayo lahat sa tabi
ko, sino ang nagbababantay nang ating tindahan?” Kahit na malapit nang
pumanaw ang nasa isip pa din ay yaman…
Si Hesus alam niya na
siya ay malapit nang mamatay. Tanggap na niya ang kayang kapalaran sa
krus. Kaunting oras na lang ang kanilang pagsasama nang mga alagad.
Kinailangan niyang magbigay nang huling habilin sa mga ito. Ano ang
kanyang habilin? Mag-ibigan kayo.
Bago siya lumisan ibinilin
niya na ang pag-ibig ang siyang maging identity nila na tagasunod ni
Hesus. Pero hindi lamang pag-ibig. Ang pag-ibig na tinutukoy niya ay ang
pag-ibig na ibinahagi niya. Ito yung pag-ibig na mapagpakumbaba;
pag-ibig na handang ibigay ang sarili para sa minamahal; pag-ibig na ang
iniisip at ang ginagawa ay kung ano ang mabuti sa iniibig; pag-ibig na
handang ialay ang buhay para sa iba. Ito ang modelo na ibinigay ni
Hesus.
Madali ang magmahal nang taong gusto nating mahalin.
Madaling mahalin ang mga gwapo at magaganda (ehemmm). Madaling mahalin
ang mga mababango. Madaling mahalin ang mga mayayaman, sikat at
makapangyarihan. Madaling mahalin si father…Madaling mahalin ang isang
tao na meron tayong makukuhang kapalit!
Pero hindi to ang
modelo nang pagmamahal ni Hesus. Ang pagmamahal na ipinakita niya ay
yung pagmamahal na hindi naghihintay nang kapalit. Ipinakita niya na
mahalin ang mga taong hindi karapat-dapat na mahalin. Mahirap mahalin
ang mga mahihirap, ang mga mababaho, ang mga pangit, ang mga walang
boses sa lipunan, ang mga taong sa tingin nang marami ay basura nang
lipunan. Pero sila ang minahal ni Hesus. At sila pa nga ang unang
sumunod kay Hesus. Sila ang unang tumanggap nang kaharian nang Diyos.
Noong 2006 isang seminaristang Heswita na nagngangalang Richie Fernando
ang ipinadala sa Cambodia upang magturo. Isang araw, isang estudyante
ang pumunta sa school na pinagtuturuan niya upang pasabugin ang isang
granada sa mga mag-aaral doon. Pinigilan ni Richie ito. Nahulog ang
granada. Dinapaan niya ito at siya ang nasabugan. Nawalan nang buhay si
Richie pero ang kapalit naman nito ay maraming buhay nang mga
estudyante. Si Richie sinundan niya ang pag-ibig na ipinakita ni Hesus.
Sa ating buhay sana matutuhan nating umibig…tunay na umibig katulad ni
Hesus! Makikilala tayong tagasunod ni Kristo kung tutularan natin siya
sa kanyang pagmamahal...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento