Slum Notes
(Jn. 3: 13-17)
Naalala mo pa ba ang slum notes? Ito yung isang noteBook na sinulatan
ng mga tanong na kung saan ito ay sasagutan ng iyong mga kaibigan. At
ang isa sa mga tanong na iyon ay: What is love? At iba’t-iba ang mga
kasagutan na mababasa dito katulad ng:
Love is like a rosary full of mysteries.
Love is blind.
To lovE is to give…’til it hurts.
(dagdagan nyo na lang…may kilig kilig pa…)
Pero ano nga ba ang tunay na pagmamahal?
Sabi sa Mabuting Balita: “Hindi nga sinugo sa mundo ang Anak upang
hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya.”
Ito pala ang dahilan kaya ipinanganak si Kristo. “For God So loved the
world that he gave His only Son.” AT sa pagbibigay na ito ng Anak ng
Diyos nariyan ang krus. Hindi nga maihihiwalay ang simbolo ng krus kay
Kristo.
Ayon sa mga alamat ang krus ni Kristo ay nadiskubre ni
Sta. Elena sa Jerusalem at dahil dito ay nagtayo ng simbahan sa utos na
rin ni Emperor Constantine. Nawala ang krus na ito subalit naibalik rin.
Naipasok ang krus sa Church of the Holy Sepulchre noong September 14,
335 at dito nag-umpisa ang pagdiriwang ng kapistahan ng Banal na Krus.
Ang krus ay simbolo ng pagmamahal sa tao. Ito ang katunayan ng tunay na
pagmamahal. Pero tandaan natin na walang kabuluhan ang krus kung wala
dito si Kristo.
Ang pagmamahal ay hindi isang pakiramdam na
mabuti. Hindi ito isang damdamin na magaan. Hindi ito isang kasiyahan.
Hindi ito makasarili.
Ang tunay na pagmamahal ay ang pag-iisip,
paggawa at paghahangad ng kung anong mabuti para sa minamahal. Ang
pagmamahal ay pagbibigay…
Next question is: Who is your love?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento