In Memory of Her
(Lk. 8: 1-30
Sa mga simbahan lagi tayong makakakita ng manang na naglilingkod. Sila
yung mga kababaihan na hindi na natin matandaan kung kailan sila naging
laman ng simbahan. Sila din yung mga babaeng laging nandyan kahit na
magpalit ng pari. Kahit anong ugali ng pari, kahit na ilang ulit silang
paiyakin at pahirapan, sila ay makikita mo pa rin sa loob ng simbahan na
tahimik na naglilingkod. Wala na yatang
makapipigil sa kanila kaya nga sila ay naging mukha na ng simbahan…Yun
bang tila hindi kumpleto ang kulay ng simbahan kung sila ay walang
puwang.
Maaaring sila ay nasa choir kaya nga ng boses niya at
tila naging opisyal na boses na ng mga misa. Sila din ay mga Lectors and
Commentators na dahil sa katagalan nila sa paglilingkod ay tila hindi
kumpleto ang pagdiriwang pag wala sila. Sila din yung mga Collectors na
kahit na yata nakapikit ay alam na alam na nila ang kanilang tungkulin.
Sila din yung mga ushers na pag may misa ay gumagabay sa mga nagsisimba.
At kung titingnan mo ang nasa loob ng simbahan habang nagmimisa,
karamihan diyan ay mga kababaihan. Ano kaya ang mukha ng Simbahan kung
wala ang mga kababaihan?
Nakakatuwa sapagkat sa Mabuting Balita
ay nabanggit ang mga kababaihan na kasama ni Hesus sa kanyang
pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Sila sina Maria Magdalena, Juana, at
Susana. Hindi man natala dito ang kanilang mga ginagawa alam naman natin
na sa likod ng mga gawain ni Hesus at ng mga alagad, hindi mawawala ang
mga kababaihan. Hindi man sila naging sikat pero kaligayahan na nila na
makatulong kay Hesus.
Sabi ni Pope Francis: "Women in the
Church have had and have a special role in opening the doors to the
Lord, in following him, in communicating his message."
Malaki
talaga ang papel ng mga kababaihan sa Simbahan. Kaya nga sa tuwing
pupunta tayo sa simbahan, hwag kalimutan na sila ay pasalamatan.
At lagi nating tandaan, ang Simbahan ay di lamang para sa mga
kalalakihan…Ang mga kababaihan ay meron laging mahalagang ginagampanan
sa paglago ng Simbahan…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento