Mag-Isip Ka Din…
(Lk. 16: 10-13)
Dinalaw namin minsan yung kaibigan naming. Mahaba ang pinagkwentuhan
naming hanggang sa mapadako ang usapan tungkol sa relihiyon. Sabi niya
siya ay Katoliko pero hindi nagsisimba. Tinanong naming siya kung bakit
di siya nagsisimba. Sumagot siya:
“Pag nagsimba ka ay magdarasal ka at ipipikit mo pa ang iyong mata,
Pero pagmulat mo… wala na ang iyong bag na dala-dala;
Praising praising ka, Taas ang kamay, alleluia, alleluia…
Pero paglabas mo ng simbahan…wala na ang iyong pitaka,
Kaya dapat pag magsisimba ka,
Ang iyong kamay ay laging nasa bulsa para di ka mawalan ng pera,
Kaya di na lang ako nagsisimba.”
Bakit nga kaya may mga tao na ginagamit ang kanilang galing at kakayahan para sa panlalamang ng iba?
Marami ang matalino ngunit ginagamit ang katalinuhan para yumaman sa ilegal na pamamaraan.
Marami ang malalakas ang katawan pero ginagamit ito para takutin ang iba at magkaroon siya ng kapangyarihan.
Marami ang magaling magsalita ngunit ginagamit ito upang ang ibang tao ay maligaw at mapaniwala sa masama.
Marami din ang mga gwapo at magaganda ngunit ginagamit ito para paglaruan ang puso ng iba. (ehemmm…)
Sabi ni Hesus: “ Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay
mapakakatiwalaan din sa malaking bagay, at ang hindi mapagkakatiwalaan
sa maliit na bagay ay hindi rin mapagkakatiwalaan sa malalaki.”
Tayong lahat ay katiwala kaya gamitin natin ang mga biyaya ng kakayahan at kagalingan para sa buhay na walang hanggan…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento