Selfie Not!
Kanina may lumapit na bata upang mangumpisal. Ang problema ay apa siya
(di makapagsalita at di rin makarinig). Kaya nagpakuha ako ng papel at
ballpen upang sa pagsulat kami magkaintindihan. Ako ang unang sumulat.
Tinitigan niya ang sinulat ko at saka tumingin siya sa magulang niya.
Sabi nung mga magulang: “Father English po ang naiintindihan niya.”
Ayun…buti na lang may baon akong English kanina.
Pero nakakatuwa yung bata. Kahit may kapansanan siya ay jolly pa rin.
Tuwang tuwa niya nung matapos ang pangungumpisal. At dahil
nakapangumpisal na siya maaari na siyang tumanggap ng komunyon. Matagal
nap ala niyang gustong makapag-communiom. Nakaka-touch talaga.
Nung paalis na ako, sinabihan siya ng nanay nya na pasalamatan ako sa
pamamagitan ng isang flying kiss (di ko alam kung flying kiss talaga yun
o kung ganun lang talaga ang sign language ng thank you…he he he).
Magandang tularan yung bata. Kahit na ganun siya ay positive pa rin ang tingin sa buhay!
Kaya nga sa mga nakakaramdam diyan na tila api, na walang pumapansin,
na broken-hearted, na nagse-selfie at self-pity, na nalulungkot, na tila
nakalimutan na ng Diyos, na parang walang magandang bukas, na walang
nagmamahal…be positive!
So cheer up! Maikli lang ang buhay para gugulin pa natin sa mga kalungkutan…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento