Potek!
(Lk. 6: 6-11)
Hindi makakarating yung dalawang pari na tumutulong sa parokya sa araw
ng linggo kaya kami na lang ng parish priest ang kumuha ng schedule
nila. Sabi ko kahapon, kailangan kong makapag-reserve ng lakas kaya
maaga akong matutulog at iyon nga ang aking ginawa. Nag-set ako ng alarm
ng 4:00AM.
Nagising ako sa isang boses na nagsasalita sa microphone. Balikwas agad ako kase kala
ko boses galing sa commentator at magsisimula na ang misa. Nagtaka ako
kung bakit hindi nag-alarm. Doon ko nakita…1:OOAM pa lang pala. Ang
boses na aking napakinggan ay mula sa plasa sapagkat may program sila.
Buti na lang hindi agad ako naligo…
Nahirapan na akong
makatulog. Alas-kwatro na ng umaga natapos ang program. Hindi lang sila
ang puyat, pati ako puyat din. At umaga pa lang ay umatake na agad ang
acid sa tiyan ko. Uminom ako ng tubig na akin ding isinuka. Kaya hayun,
groggy maghapon…Wala lang ibang gagawa kaya napilitan.
Potek talaga!
Pero teka…si Hesus kaya, ganito rin kaya?
Si Hesus napalaban na naman sa mga kontrabidang Pariseo. Inabangan
siya kung magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga para may maiparatang sila
sapagkat ipinagbabawal iyon ng batas. Alam yun ni Hesus. Pero
pinagaling pa rin ni Hesus ang maysakit. Para sa kanya ang
pinakamahalaga ay ang gumawa ng kabutihan para sa iba. Ito ang esensya
ng batas.
Para kay Hesus hindi dahilan na may mga kontrabida
para tumigil sa paggawa ng mabuti. Hindi excuse na maraming sumasalungat
para tumigil sa pagtulong sa iba. Hindi dahilan na marami ang di
naniniwala para sumuko na maging bahagi ng buhay ng ibang tao. Hindi
siya napipilitan lamang. Yan si Hesus…sana maging ganyan din tayo.
Potek ba? Ha ha ha…you can survive! Huwag maging potek…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento