Hire Me Please…
(Lk. 6: 12-19)
Kung sa Human Resources Division nagtatrabaho si Hesus siguradong
sisante na siya. Sabi nung isang internet site ito daw ang mga
kailangang hanapin para sa mga bagong kukunin na aplikante sa kung
anuman ang trabaho: Job skills and education; Honesty and integrity;
Communication skills; Pride in the job and work ethic; Problem solving
skills.
I-apply nga natin ang mga ito sa mga pinili ni Hesus na maging katrabaho niya.
Job skills and education: bagsak sigurado ang mga alagad. Karamihan sa
kanila ay mga mangingisda at ito ay hindi naaayon sa pagiging
tagapagpalaganap ng Salita ng Diyos. Hindi sila edukado na katulad ng
mga Pariseo at mga Eskriba. Wala silang pinag-aralan. Wala silang
karanasan at training sa ipapagawa ni Hesus.
Honesty and
Integrity: Bagsak din ang ilan sa mga alagad na pinili ni Hesus. Ang isa
ay nagkanulo sa kanya at may magkapatid pa na gustong maungusan ang
ibang alagad sa paghahangad na maupo sa kanan at kaliwa ni Hesus kapag
naging hari na si Hesus. Meron pa ngang maniningil ng buwis na hindi
tapat at alam iyon ng mga tao.
Communicaion skills: magagaling
man sa kanilang trabaho ang mga alagad pero wala silang karanasan sa
pakikisalamuha sa tao lalo na sa mga nakatataas. Wala silang background
sa pagsasalita sa harap ng maraming tao at magpaliwanag ng mga Salita ng
Diyos.
Pride in the job and Work Ethic: Hindi rin sila papasa.
Yun ngang dalawang alagad na isinama nji Hesus sa bundok ay di
nakatagal at tinulugan si Hesus habang siya ay nagdarasal. Noong
nagkahulihan ay itinatwa nila si Hesus at sila ay tumakas. Iniwan nila
sa ere si Hesus.
Problem solving skills: Bagsak din ang mga
alagad. Noong gagabi na at maraming tao ang sumunod sa kanila, sinabi ng
mga alagad na pauwiin na lang ang mga tao sapagkat walang pagkain sa
lugar na iyon. Solving by elimination, ito ang nasa isip nila. Pag wala
na yung mga tao wala na din silang problema. Bahala na ang mga tao na
mamroblema sa sarili nila.
Kung Human Resources Director si Hesus sigurado sisante na siya. Babagsak ang kumpanya na magha-hire sa kanya…
Pero yan ay kung standard ng mundo ang pag-uusapan!
Marunong si Hesus. Hindi pamantayan ng mundo ang kaniyang ginagamit.
Hindi man perpekto ang kaniyang pinili meron naman silang katangian na hinahanap ni Hesus. Ano kaya yung mga yun?
Kahandaan na tumugon sa pagtawag ni Hesus: Kapos man sa kakayahan ang
mga alagad, meron naman silang katapangan na iwan ang lahat para kay
Hesus. Wala mang kasiguraduhan ang pagsunod kay Hesus pero sumunod pa
rin sila at nagtiwala kay Hesus.
Pagiging bukas upang matuto:
Dukha sila pag kaalaman ang pinag-usapan pero handa silang matuto mula
kay Hesus. Nagkakamali man sila pero bumabangon at bumabalik pa rin kay
Hesus. Salat man sa kaalaman pero mayaman naman sa pagtitiwala.
Totoong kaibigan: Kasama nila si Hesus saan man ito magtungo. Lumalim
ang kanilang pagkakilala sa isa’t-isa. Sa iisang hapag sila ay
nagsasalu-salo. Hindi sila perpektong kaibigan pero sila ay totoong
kaibigan. Dahil dito ay sinusunod nila si Kristo.
Dahil dito si Hesus ang pinakamagaling na HRD. Hindi pamantayan ng mundo ang kanyang basehan pero ang kalooban ng Diyos.
Mag-aaplay ka ba ng trabaho? Alalahanin mo ang mga bagay na ito…Hindi
ka man tanggapin sa kumpanya na inaaplayan mo pero tanggap ka naman sa
kaharian ni Kristo…
Trabaho na tayo…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento