San Lorenzo Ruiz
Taong 1636, isang Pilipino ang sumama sa mga paring Dominikano
papuntang Japan. Sa pagdating nila doon, hinuli sila at ikinulong.
Pinahirapan din sila upang itakwil ang kanilang pananampalataya. Hindi
niya itinakwil ang pagiging katoliko.
Sinabi niya: "Isa akong
Katoliko at buong-pusong tinatanggap ang kamatayan para sa Panginoon.
Kung ako man ay may isanlibong buhay, lahat ng iyon ay iaalay ko sa Kanya." Namatay siya na pinanghahawakan ang pananampalataya kay Kristo.
Yan si San Lorenzo Ruiz, ang unang Pilipino na naideklarang santo.
Ngayong ginugunita natin ang ating Patron, alalahanin natin ang
kaniyang pinanghawakang pananalig kay Hesus. Tularan natin siya.
Ang pananampalataya ay hindi lamang isang pribadong bagay. Ito rin
dapat ay ibinabahagi. Sabi nga ni Cardinal Rosales: “Kahit saan nandoon
ang mga Pilipino, ang katapatan sa Diyos ay dala-dala ng Pinoy.”
San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo kami!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento