Anaknimaria
(Mama Mary’s Birthday)
May isang kwento tungkol sa isang mayamang binata. Birthday ng kanyang
nanay kaya naman siya ay pumunta sa isang tindahan ng bulaklak upang
ipadala sa kanyang nanay. Pagdating niya sa tindahan ay may nakita
siyang isang batang umiiyak. Tinanong niya ito kung bakit umiiyak. Sabi
nung bata: “Kase po gusto kong bilhan ng bulaklak si nanay kase birtdey
niya kaya lang ay kulang ang pera ko.”
Sinabi naman ng lalaki: “Sige ako na lang ang magbabayad ng bulaklak
para sa nanay mo.” Pumasok sila sa tindahan at binayaran ng lalaki ang
bulaklak na kinuha ng bata. Paglabas nila, sinabi ng lalaki: “Gabi na at
madilim pa ang daan kaya ihahatid na lang kita sa nanay mo. Ituro mo na
lang ang daan.”
Isinakay ng binata ang bata sa kanyang
sasakyan pero laking gulat niya sapagkat sa sementeryo itinuro ng bata
sila pumunta. Doon niya nalaman na patay na pala ang nanay nito at gusto
lang ng bata na alayan ng bulalak dahil kaarawan nito.
Pagkatapos niyon, hindi na ipinadala ng binata ang bulaklak sa kanyang
ina at sa halip ay siya na lamang ang nagdala nito at nag-abot sa
kanyang ina.
Sa kaarawan ng ating Mahal na Inang Maria,
inaala-ala natin ang kanyang naging tungkulin para sa pagdaloy ng biyaya
ng kaligtasan sa atin sa pamamagitan ng pag-oo sa plano ng Diyos na
siya ay maging ina ni Hesus. Malaking reponsibilidad ang kanyang
tinanggap at kumapit siya sa pananampalataya sa Diyos na ang lahat ng
mangyayari ay naaayon para sa kabutihan ng lahat.
Si Maria ay
naging Ina ni Hesus at ina din nating lahat. Siya ang halimbawa ng turo
ni Hesus kung paano ang pagsunod: pagpasan ng krus at pagsunod sa
kalooban no Diyos. Si Maria ang ehemplo ng isang pagiging tunay na
alagad. Kaya nga sa Simbahan siya ay ating pinararangalan sa pamamagita
ng pag-ala-ala sa kanyang kapanganakan.
May regalo ka na ba sa kanya?
Tularan natin siya. Ito na ang ating magandang regalo para sa ating
mahal na Ina. Lagi natin siyang tatandaan. At kung tao ay nakakalimot,
tumingin lang tayo sa ating mga palad at makikita nating ang dalawang
letra na “M” na magpapaalala sa atin kay Mama Mary.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento