ANAWIM
(Lk. 6:
20-26)
Imagine this…
Sa isang baryo ay may nakatirang mayaman at mga mahihirap. Kapag
nagkasakit ang mayaman dinadala nila sa hospital ito at ipinapa-check-up sa
magagaling na doctor. Pero kapag nagkakasakit ang mga mahihirap, dahil sa
kakapusan sa kayamanan, hindi nila madala sa pagamutan ang maysakit upang
ipasuri sa doktor at sa halip sa mga albularyo na lang nila dinadala at umaasa
na madala sa bulong at tapal tapal ang mga karamdaman.
Pero isang araw ay nagpatayo ng health center ang pamahalaan
sa lugar na iyo at may doktor pang dumadalaw at nanggamot ng libre sa mga tao doon.
Sino kaya ang higit na matutuwa sa pagbabagong iyon, yung mayaman na kayang
magpagamot sa mamahaling ospital yung
mga mahihirap na walang kakayahan na dalhin sa doktor sang kanilang mga
maysakit?
Ang “Beatitudes” o “Mapalad” ay HINDI isang payo o pangaral para sa pagsasabuhay! Sa
unang pagtingin tila ito ang nais iparating ni Hesus: na gusto ni Hesus na maging mahirap tayo; na
gusto ng Diyos na naghihirap tayo; na kung gusto nating makarating sa Kaharian
ng Diyos ay kailangang maghirap tayo. HINDI ito ang nais iparating ni Hesus.
Ang “Beatitudes ay isang proklamasyon o isang announcement.
Upang lubos nating maintindihan ito kailangan nating mas bigyan ng pansin ang
pangalawang bahagi ng bawat “Mapalad”:
*sa iyo ang
kaharian ng Diyos
*bubusugin
kayo
*tatawa kayo
*malaki ang
inyong gantimpalang nasa Diyos
Ito pala ang
mga dahilan ng pagiging mapalad.
Hindi gusto
ni Hesus na may naghihirap. Ayaw niya na may kahit isa na nagugutom. Gusto niya
na ang lahat ay maraming biyaya. Ang Kaharian ng Diyos na ipinahayag niya ay
ang pangako na ang lahat ay may kagalakan sapagkat wala ng nangangailangan.
Binabago rin
nito ang kaisipan at turo na “okei lang na maghirap ka ngayon kase sa kabilang
buhay ay mananagana ka naman.” Ang turo ni Hesus ay ngayon pa lang ay maranasan
na ang Kaharian ng Diyos. Ito rin ang dahilan kaya itinuro ni Hesus na
kailangang magbigay sa mga nangangailangan, magbahagi sa mga naghihirap,
tulungan ang mga nasa laylayan ng lipunan.
Kaya nga
kapag ginawa natin ang mga bagay na ito, masasabi nating isinasabuhay na natin
ang Kaharian ng Diyos.
Sa Kaharian
ng Diyos wala ng Anawim!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento