Kanta Muna Tayo
(walang kinalaman ito sa gospel)
I was in Araneta Coliseum last night and watched the concert of George
Benson and Patti Austin. At shempre naka-relate ako sa mga kinanta
nila. Kala ko ang mga manonood dito ay mga naunang pinanganak sa akin.
Pero maraming mga kabataan ang nandun. Sila pa nga yung tuwang tuwa na
nag-cheer sa mga kanta.
Pero ang isa sa mga realizations ko ay yung
mga classical songs ay hindi nalalaos. Relate pa rin kahit na ang mga
younger generations. Meron pa ngang dahil sa kantang ito ay
pinag-aawayan…at may mga namatay na dahil sa kantang ito.
Kung
ikukumpara yung mga bagong awit para sa akin ay pipiliin ko pa rin yung
mga lumang kanta. Pansinin natin yung mga bagong kanta…mabilis sumikat
pero madali ring nalalaos, madaling makalimutan. Like na like ngayon
pero forgotten na agad agad…
Ano kaya ang pagkakaiba?
Hindi ako musikero pero sa palagay ko ang pagkakaiba ay yung
pinagdaanan at kasaysayan ng kanta. Marami sa mga kanta ngayon ay
tinatangkilik dahil sa beat o rhythm ng mga awit. May mga awit pa nga na
sumisikat dahil magaling ang marketing strategy at pumapatok sa masa
pero bokya naman ang content. Ang kanta ay ginawa na lang upang
pagkakitaan.
Yung mga lumang kanta ay may istorya at ito ay
tumatagos sa puso. Pag naririnig ang mga kantang ito ay tila sariling
buhay ang inaawit. Kasama na rin siguro sa nakakaimpluwensya ay kung
saan nagmumula ang pagkanta…sa puso nagmumula…may puso ang kanta.
Puso ng composer + puso ng kanta + puso ng singer + puso ng listener = classic
My two cents…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento