Anak
(Lk. 15: 1-10)
Naalala nyo pa ba ang awit ni Freddie Aguilar na Anak. Pero hindi
lamang iyan awit. Yan din ay kwento ng buhay niya. Hindi ipinagpatuloY
ni Freddie ang kanyang pag-aaral. Gusto ng ama niya na siya ay maging
abogado pero siya ay naglayas at lumayo sa pamilya. SA kaniyang paglayo
ay naligaw siya ng landas.
Matapos ang limang taon ng paglalagalag, inamin niya ang pagkakamali at sinulat
ang kantang ito. Bumalik siya sa kanilang tahanan at tinanggap naman
siya ng kaniyang pamilya. Ipinakita niya ang kanta sa kanyang ama at
naging malapit na sila sa isa’t-isa. Ang kantang ito ay ang kwento ng
pagsisisi at muling pagbalik sa yakap ng kanyang ama.
Ang awit ding ito ay kwento ng buhay ng bawat isa sa atin…
Ang DiYos ay isang Diyos na mapagmahal. Hindi lamang siya naghihintay
sa pagbabalik ng nawawalang mga nilikha niya. Siya pa mismo ang
naghahanap sa mga nagkakasala sa kaniya. Ito ang nais ituro ni Hesus sa
pamamagitan ng dalawang talinghaga.
Iiwan ng Diyos ang 99 na na
tupa upang hanapin ang isang nawawala. Ang Diyos din ang babae na
naghanap ng kaniyang nawawalang salapi. Sa dalawang talinghagang ito,
kasiyahan ang nadama noong makita ang nawawala.
Ang bawat isa
pala sa atin ay mahalaga sa Diyos. Ang “value” ng bawat isa ay walang
katumbas sapagkat itinuturing ng Diyos na kanya ang lahat. At hindi rin
nakakalimot ang Diyos. Ang sabi nga sa Salmo ay: “Hindi kita
malilimUtan, Nakaukit magpakailanman sa aking palad ang iyong pangalan.”
Hindi nawawala ang Diyos. Tayo ang nawawala sa tuwing tayo ay
nagkakasala. Laging nandiyan ang Diyos. Ang totoo niyan ay sa tuwing
tayo ay nagkakasala tayo mismo ang lumalayo at umiiwas sa Diyos. Hindi
na nga natin siya sinusunod ay tinataguan pa natin siya.
Hwag
ng magtago. Hinahanap tayo ng Diyos hindi upang parusahan kundi upang
ibalik sa kanyang tahanan. Kapag tayo ay nagiging palaboy dahil sa
katigasan ng ating ulo nawawalan din ng kasiguruhan ang ating buhay. Sa
tahanan ng Diyos tayo ay ligtas at mapupuno ng kagalakan.
So…tama na ang pakikipag-hide-and-seek natin sa Diyos. Tama na ang ating
pagtatago. Hinahanap ka na niya. Papasanin ka niya pabalik sa ugoy ng
mga kamay ni Hesus…
Balik na…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento