Pusong Butas
(Lk. 7: 1-10)
Sa college seminary pa kami noon. Isang seminarista ang sumama ang
pakiramdam at nahirapang huminga. Pumunta siya sa ospital upang
magpasuri. Sabi ng doktor ay may butas daw ang kanyang puso. Nag-iyakan
na sila. Pati ang rektor ng seminary ay napaiyak din. Isinama na sa
intension sa misa ang paggaling ng kanyang may butas na puso.
Sinundo ang seminarista ng kaniyang mga
magulang, Pumunta sila sa Maynila at humingi ng second opinion sa sakit
kung totoong may butas ang puso ng kanilang anak. Nalaman sa mga
pagsusuri na walang butas ang kaniyang puso. May hika lamang siya kaya
nahihirapan siyang huminga…
Mahirap ang maysakit. Kaya nga ang
mga nagmamahal sa maysakit ay nananalangin na sana ay gumaling. Kahit na
nga sa mga misa ay isinasama sa mga intension na magkaroon ng
kagalingan.
Sa Mabuting Balita din nakita natin ang “concern”
niya para sa kaniyang alipin na maysakit. Sabi niya: “Hindi ako
karapat-dapat na humarap sa inyo. Ngunit magsalita po lamang kayo at
gagaling na ang aking alipin.”
Hindi lamang ang kaniyang
pagmamalasakit ang kaniyang ipinakita, nandun rin ang pagtitiwala kay
Hesus. Kahit na nga si Hesus ay humanga sa kaniya. Ito ang naging daan
upang gumaling ang kaniyang alipin.
Magmalasakit tayo sa ibang nangangailangan at kumapit tayo kay Hesus upang magkaroon ng kagalingan sa anumang karamdaman…
*I created a facebook page Anaknimaria
for the reflections and sharings. Kindly like and promote the page.
Starting next month this account meanwhile will be for personal use and
advocasy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento